Thursday, December 07, 2006

two very great men

wala lang. feel ko lang magtype. kaya walang kwenta ang post na ito.

for this evening, i shall pay tribute to two very special people, men who inspire others and provide great service to the Filipino nation.

first, i shall not name him anymore. sabihin na lang natin na dati na siyang nabanggit sa blog na ito at dahil dito ay nasaktan ata siya at na-GG ang grade ko. so yes, siya ay isang guro. bakit ko siya naalala? kasi nung isang araw ay naglalakad ako papuntang ateneo, sa may labas ng MRT station. habang naglalakad ay nakasalubong ko ang ginoong ito. so dahil umaasa akong nakalimutan nya nang lahat ng nangyari (maliban sa aming daily McAndre meetings) ay ako ay nagpakawala ng isang maenerhiyang "HELLO SIR!" na may kasama pang malaking ngiti at kaway na parang baliw. hmm, sa kasawiang palad ay inakala nya atang autistic lamang ako at siya ay tumingin sa kabilang dako at nakataas-noong nagpatuloy lang sa paglalakad.

WTF PRIDEFUL CHIN UP WALK?! tae naghello na nga ako eh. kahit hi man lang na may simangot wala? e tae totoo naman yung tinype ko dito ah! pota. TOTOO LAHAT NG SINULAT KO hello diminishing voice gg

pero mabait naman siyang guro. hindi naman ako nagkulang sa pagsabi nun. yun nga lang ay lagi kong pinupuna iyong hello gg attack. but he is still a great man at malakas kong isinusuggest na siya ay kunin ng mga tao. wag lang kayong magbblog tungkol sa kanya dahil mukhang kanyang ginoogoogle ang sariling pangalan para makita ang mga kyot blogs na nangsshit sa kanya


ang pangalawang taong gusto kong bigyan ng karangalan ngayong gabi ay walang iba kung hindi ang mamang walang sawang nagbabantay sa tricycle stand sa may ministop katipunan. sa mga nagccommute, malamang kilala nyo siya bilang yung matabang mama na walang tigil na isinisigaw ang "ATENEO!" at "MIRIAM!" sa mga tricycle na nakapila. siya ang mamang nagliligtas sa mga estudyanteng malapit nang mahuli sa klase at walang mahanap na mga trike na maaring makapasok sa kanilang mga eskwela.

ako, hindi ko makakalimutan ang paggising nya sa umaga ko, habang nakapila para pumasok sa 730 class (oo, matagal na ito. dati pa to. maniwala man kayo o hindi, mayroong panahon na nagigising ako ng maaga para makapasok sa klase ng 730 nang hindi nahuhuli!). inaantok-antok pa ako sa pila, at ako ay magigising sa kanyang matikas na sigaw ng "ATENEO!". pagkatapos nito ay mabait niya kaming tatanungin kung saan kami bababa sa loob ng campus.

I IDOLIZE HIM DEARLY I BELIEVE THAT EVERY TRICYCLE STAND SHOULD HAVE A MAN LIKE HIM TAKING CHARGE

kung sabihin nya sa akin na lusubin ang malakanyang para ipatapon si gloria ay susundin ko siya dahil sa kanyang MANLY VOICE na siguradong mapapapayag ka dahil may laman itong KATAPANGAN. mataba man siya, nagagawa ng boses nya na magmistulang macho man siya (pikit nalang kayo)


shet gg na ako YEHEY 3 DAY WEEKEND WOOHOO!

kela obe ulit bukas dance practice omg i will meet his hello brother again (at oo, may iba pa akong inaasahan heehee)

ok enough of this shit go and view other sites that are more sensible gg

Wednesday, November 29, 2006

and finally a new post yehey

hulloh

mejo matagal din ata akong hinde nakapagpost. all saints' day post pa ata yung huli. hmm. wala kasing pasok tom and friday kaya mejo naisipan kong magsulat dito. hinde naman ganun katagal eh.

so, ano na ang nangyari sakin sa buwan na to? birthday month ko pa naman.

well, simula sa local news. sa registration, as usual, late reg nanaman ako. I NOW DUB MYSELF AS MR. LATE REG. sa 8 reg na naabutan ko sa ateneo (at 2 dun ay regcom ako), mga 5 o higit pang beses ay late reg ako. pero ok lang, wala pa rin naman akong sem na sulit random number eh. kalat.

pero ngayong sem na ito ay maaari kong sabihin na sulit ang pagiging late ko sa reg, dahil mas maganda pa ata ang naging klase ko kesa kung nag-reg ako sa tamang puwesto ko dahil napagsarahan na ako ng mga klase na gusto ko. sa pagiging late ko ay nagawa kong magpabuffer sa lahat ng klase na gusto ko (maliban sa theo. shit.)

2 classes a day, 1200-430 lang. tas satruday 9-4. yun lang ang drawback, pero at least sulet pa rin yon HIHIHI

sulet naman ang waking up at 1100 M-F eh. i shit at morning classes and morning FINALS. HELLO 33/100 FINANCE105, yan tuloy supalpal ako kay the dr. finance :(

so far, ok naman ang mga klase ko. maliban sa philo, kung saan nagdudugo nanaman ang utak ko ngunit wala parin akong maintindihan. iyak nako GG i expect a D again. sa OR naman, ewan. gusto ko siya kanain. A na this sem please. that goes for the other subjects. sana ok un marketing namin.

so birthday month ko nga. anong nangyari nung birthday week ko? well, patawa. nagcut ako ng 2 days dahil ako ay pumunta ng hong kong. hahaha first week palang no? shitty. pero hinde. nagresolve na ako na hinde magcut as much as possible this sem. at natupad ko to. kahit sa philo! YES I WILL GET BACK ON MY FEET

anyway, ano nga ba ang nagawa ko sa hong kong?

well, nagpunta ako dun para magpahinga, mamasyal, bumisita kay karen:)) sikat ka at pumunta sa aking acupuncturist/er. mejo sumasakit na talaga un likod ko dahil sa scolio, pero dahil ayaw ko magpaopera ay dun nalang ako pumunta para mawala lang ang sakit. glad to say na nabawasan nga yung sakit ng likod ko, pero totoo eh. CURE talaga yung ginagawa ko haha

sa bisita kong un, nakapaglakad ako ng sobrang layo, may isang araw na nakalakad ako ng mahigit kalahati nung isang line nung tren nila. as in magugulat nalang ako nandun nako sa next station hahaha. tas nagppipicture lang ako ng mga crappy signs na nakikita ko tulad ng "Gaylord commercial center" tas may bar na "COCKEYE something bar (tas may picture ni Popeye)" sa tabi. sayang nga lang nde ako mashado nakalayo, ndi ako nakapuntang disneyland. naman eh. pero ok lang, maraming adventures :))

sulet pa. parang everyday, mga 2 or 3 am na tas naglilibot pa ako. punta akong mcdo, bili ng mcshake, o kaya punta sa secret restaurant by the side of the road tas kakain. labo ko sobra.

tapos wala, sobrang sulet din ng mga adventures with the jta people. sila bucs, mike, matthew, angie, karen o., at si karen. tas nakasama ko din yun foreign friends nila. at yung isa nilang chinese friend na taga pinas. hahaha sana hinde ako nagkakalat. tama naman ata eh. san san ba kami nakarating? nagdinner, naglibot para magshopping, nagpunta sa isang club at naglasing sila at nagsayawan, sumakay sa isang yacht at nagpunta ng beach at muntik pa akong malunod GG

MY MANLY PRIDE ALMOST COST ME MY LIFE HOHOHO. nagdecide ako sumama sa venture nila towards a platform far away from the shore. siguro mga 200 or so meters yon. tas sa gitna pa lang GG nako. huhu inisip ko mamatay nako. tae for 1 minute nag ddogpaddle in place lang ako at nagccontemplate ng kamatayan. tas naisip ko bumalik. pero pagikot ko, GG MALAYO NA SOBRA yung shore. tas e di sumigaw na ko na na-ggg ako, tas lumaban ako slowly hanggang sa umabot ako dun sa platform with my complete arsenal of swimming strokes (freestyle, breaststroke and dog paddle).

tas na-gg din ako sa pagcommute. nasshit ako hinde ako makaeavesdrop. naiintindihan ko talaga. tas makikibasa ako ng dyaryo, tas tae chinese! i die.

pero nakabasketball and jogging ako dun. huhu sana marami din public park sa pinas na may football field, jogging track at bball court. nasspam ko eh! huhuhu saya ng bball :) chinese bball players are cute. tas may nakalaban pa kaming babae. tas nung una mejo nahihiya pa ako. pero tae serious gaming siya, tas marunong siya maglaro, as in matino sobra. tas parang nung patapos na yung game lahat kami sa team sinerious defense na siya kasi kumakana siya. tas ayun may isang block ako sa kanya tas tae nahiya ako :( huhuhu

ano pa ba? ayun lang ata e. hahaha konting shopping pow.


ayun. sa ibang bagay

PLAYOFFS NA KAMI SA IAC! well, mejo matagal na ata yon, pero iba parin yung feeling na tapos na ang elims. 7-0! hoo! please wag na tayo bumitaw. champs na to!

TEAM ONE DIN! YESSS! for the first time, nakaabot tayong PLAYOFFS! YES! ALL THE WAY NA DIN! I WANT MEDALS HUHUHU

and in other other news, magulo ang mundo ngayon. haha andami daming mga kung ano anong activities. may dance troupe, may cheering, may mea projects, may loreal. hahaha sulet.

sana lang hindi ko mashit tong mga to pag umatak na ung pag-aaral. HUHUHU pagaaral saks. lalo na yung theo GG research paper. tae ka paper.

anyway, sa susunod nalang ulet i am gg already yehey

Thursday, November 02, 2006

hello all souls day

hmm. all saints day kanina. 12 na eh. eto na yung naging pinaka-aktibong araw ng bakasyon ko. hello masaya maging aktibo omg i do not like sitting around watching tv series all day because my legs lose sensation gg ako maglakad kanina

anyway, for this year, sa tatay ko ako sumama sa pagbisita sa sementeryo. ang hassle ng magkahiwalay yung magulang mo. snap ako eh. parang sa lahat nlang ng mga holidays kelangan mo pumili ng isang sasamahan tas surebol magtatampo un isa. shit gg ok?

so sumama nga ako sa tatay ko. as usual, kami ay dumalaw sa kanyang lolo at lola (dahil nandito pa ang lolo at lola ko! yey! at 50th wedding anniv nila sa december! yehey ulet!) sa north cemetery.

siside story muna ako. wala lang. minsan naiisip ko na mas gusto ko sumama sa tatay ko dahil lang sa mga experience ko dun. wala. kasi parang yung tatay ko, hindi nya kinakalimutan yung fact na hindi sila maykaya nung bata pa siya. parang naging values nya ang pagiging masipag at praktikal. lumaki siya sa tondo, tas nagtrabaho para sa lola ko sa divisoria habang nagaaral, at lahat pa ng mga experiences sa buhay nya. ang point ko lang dito ay sinusubukan na lagi na padaanin din kami sa ganung bagay tuwing may pagkakataon. so mula pa nung bata ako, pinapadala ako ng tatay ko sa divisoria kung saan tagabuhat ako ng tela para sa lola ko, o kaya naman nagiging tindero din ako para sa kanila. matapos ng araw na to, uuwi ako sa tondo, tas dun makikipaglaro ako sa mga bata na laking tondo na sabihin nalang natin na iba sa mga makakalaro mo kung ika'y nakatira sa ayala heights. dito ang laro ay hindi nintendo kundi patintero, tas madugo ang sapakan, tas hindi ka rin naman titigila sa panggago. kasama na ako dito. ako yung naging "baboy" sa lugar na yon hahahaha

so ano nga ba ang koneksyon nito sa north cemetery? hahaha mejo wala, pero isasama ko narin to sa mga experiences na tinutukoy ko. kasi naman, hindi to katulad ng pagbisita rin sa mga eternal gardens kung saan sibilisado ang mga tao at masisigurado mong mapayapa ang magiging pagbisita mo sa iyong yumaong mga kapamilya.

pagpasok palang sa gate ay makikita mo na ang tila high-rise condominium na bagong nauuso na para sa mga patay. tulad ng mga nagsisisulputang condominium dito para sa mga nabubuhay, nauuso narin ang building para sa mga yumaong kaibigan para naman makatipid sa espasyo. wala tayong magagawa, dumadami ang patay at unti-unting tumataas ang tubig sa mundo na dahilan kung bakit nauubos ang nalalabing lupa para sa atin. kaya lang, nasisira ang pagiging mataimtim ng iyong pagbibigay respeto sa yumao, dahil hindi ka man lamang makapagtirik ng kandila o makapaglagay ng bulaklak para sa iyong dinadalaw dahil siya ay nasa panglimang row siya ng kung ano mang lebel ng gusaling iyon at syempre nakikihati ka pa ng lugar dun sa 4 pang ka-column mo. kaya masasabi nating prime spot ang first row para dito.

ang nakakatawa pa dito, ay habang nagaagawan sa espasyo ang mga taong (o bangkay) na ito, ay sa tabi mismo nila ay makikita mo ang malalawak na lugar na nakatabi para sa mga sikat na pulitiko o mayayamang pamilya sa pilipinas. ang espasyo na pinagkasyahan ng isang "condominium" na naglalaman ng sabihin nating mga 800 na katawan (hindi ko binilang ng eksakto kung ilan ang nakalagay sa isang gusali, pero hindi malayo ang numerong ito doon) ay mas maliit pa sa espasyo na nakatabi para kay sergio osmena na marami nga sa atin ngayon ay kilala lang siya dahil siya ay ang mukha na nasa 20 pesos na ating mahal. tae naman patay ka na nga, hindi ba pwedeng para sa sarili mo nalang yung lugar na kunin mo? mga pulitiko talaga, kahit sa kabilang buhay, inaagawan parin ang mga pilipino. yan tuloy, nagmukha siyang hindi minamahal. mayroon lang atang mga bulaklak doon na galing kay pangulong GMA, tas un lang. wala man lang bisita. haay.

meron naman, ginawa nang mansyon ang libingan. makikita mo sa loob ng mausoleo, may kama, aircon, dining table, sala set, tv.

anak ng tinapa. mayaman sila. palagay ko naman ay hindi nila pipiliing tumira sa loob ng sementeryo. bakit kailangan pa ng ganoon? wtf?! samantalang kanina nga ay pabiro pang nagaagawan ng lugar na paglilibigan ang mga lolo at lola ko, pati narin ang mga tito ko. nakisali na nga rin ako at nagpareserve na ng isang lugar doon. may lugar nalang malamang para sa 3 pa don, at ilan pa sila? ayayay

masya din naman magubos ng oras don. maliban sa kwentuhan, masaya din magobserba ng mga taong nakikita mo doon. ang mga tito at tatay ko nagrereklamo, sa tinagal tagal nilang bumisita sa sementeryong iyon, ni isang beses wala pa daw silang nakitang hachik na pumunta don. hahaha. hindi nagtagal ay may dumaang tropa ng bading na maingay na nangangantsaw sa bawat lalaking makita nila. nak ng tinapa. buti sana kung pwede sila eh, at least matitiis mong tignan. e pucha mas gusto ko pang tumingin sa ipis eh.

ano pa bang mga napagusapan? inaalala nila kung anong nangyari nung mamatay ang mga lolo't lola nila. tuwing makakasama ko sila, laging napupunta dun ang usapan. at ni-isang beses hindi pa sila nagkakasundo sa nangyari. laging "hinde galing tayo sa date non diba?" "ano, kasama ko si daddy non, bumisita kami eh"

ano pa ba. wala naman akong masabi eh. nangsshit lang talaga ako ng north cemetery. halata ba? snap ako sa mga mayayamang bumili ng malaking lupa eh. gets ko, may pera sila eh. pero tae naman, bangkay mo lang naman un ilalagay dun eh. maagnas ka din naman, tas after 50 years buti kung may bumisita pa sayo. tae.

tapos nung gabi pala, ipinagmaneho ko ang tatay ko at ang pamilya nya para kumain ng hapunan at maggrocery.

kumain kami sa may puregold sa tapat ng duty free. yun na ata ang pinakamalapit na narating ko sa airport buong sembreak, na dapat sana ay nasa hong kong na ako ngyon at pauwi na ako ngayong gabi. snap din ako dun

so yun nalang muna. marami pa akong maittype ata bigla, pero sa susunod nalang :)

sana nagenjoy din kayo sa mahal na araw nyo.

at pahuling paalala mula kay mayor atienza

"Paalala lang po, ang mga mandurukot ay nagpupunta rin ng sementeryo tuwing todos los santos."

Monday, October 30, 2006

eto na. update

kamusta naman kayo? nageenjoy ba kayo sa bakasyon nyo? ako.. hinde.

sulit parin naman yun bakasyon kasi walang inaalala. resting para sa (dapat) na bengga sem next sem. yun tipong nakakatulog ako ng 12 hours tas walang problema. inde ako nalalate sa stat, OR at finance, hinde ako napapacut ng philo at iba pa. this is the life :)

nagkakalat lang ako. nanood ng shit na dinadownload ko din. mapa family guy, that 70s show, prison break, lost, at marami pang tv series. oo, yun ang pinagkakaabalahan ko ngayon.

shit, kaya nga hindi ako nageenjoy eh.

nasa hong kong na dapat ako ngayon. sana nakita ko na si mickey mouse at naghk disneyland, o kaya naman ay nakapagshopping at clubbing na :)) at shempre nakita ko na siya.

but no, as usual, bad timing. nagkataon, bakasyon na rin ng kapatid ko, kung kaya't naisipan niyang maging aktibo. ngunit hindi ito kinaya ng katawan nya. kaya eto ako, nagbabantay.

san na ang erplano ko? nasa hong kong na. nasan ako? nasa pinas. fuck

wala na ngang railings outing, wala pa nito. GUJAB bakasyon


pero at least nakapagLEADS ako!

yun lang ang good point ng bakasyon ko so far. buti nalang nandun ang TEAM COMBO, sulit faci group kayo ok? marlowe, anton (haha), oscar, jayme, irizze, trixie at reg, go COMBO! thanks sobra sa inyo :D

wala. aktibo kasi sila, walang kj. lahat sila ok, game na game. kahit na hinde tayo nanalo, ok lang :) basta naenjoy parin natin yung LEADS. chaka inownage nyo naman yung prison break eh, o yeah asa sila

wala, salamat din sa mga ibang faci at core, wala, enjoy kayo makasama :) bengga. sarap makipagbonding sa gabi, kahit na tulog naman ako

sa mga roommates ko: chav, jdot at si faci partner gino, o yeah! best room! pati na rin sa semi-roomates namin na sila chong, ryan, pisha at she, best room parin!

kay din narin, na naging "roommate" ko nung first night dahil dun ako nakatulog sa kama mo. pasensya na :)

kay terri at aileen, hello lang. kayo yun mga kausap ko nung wednesday :D ako lang nagkwento. lugi

kay sir aly, panalo na ako sa mario kart hoooo!

oh, kahit hinde kasama sa LEADS, ma'am balcos, thanks po sa D!!!!

YES I AM THANKING HER FOR A D OMG A NEW LEVEL OF INCOMPENTENCE

but never mind, i am very much ok, ok? one step closer to smeg

yes yes wala lang, burat parin, i wish i was in hk hooooooo

ok i am snapping now do not mind me

bb

Saturday, October 21, 2006

the end of it all

wow. nakakatawa. tapos na ang sem na to. ang galing. pero hindi.

bumaba ang tingin ko sa sarili ko matapos ang lahat ng to.

pumasok ako sa sem na to na umaasa na pagdating ng dulo, alam kong smeg na ako. ngayon, dapat nga ata magtanong tanong na ako sa ibang kurso. tae. bat ko pinabayaan ang sarili ko?

hello. ako lang ang makakatulong sa sarili ko eh. ang laking tamad ko kasi. tae. pati philo

grabe. philo. mga bagay na ang ibang tao gusto kasi nahahatak yung mga marka nila dahil sipag lang naman ang kailangan. ako? tae D ba? o maaring F pa nga ata.

OR. sabi ko makaka-A ako. tae. habang inisa-isa ang mga long test, unti unting nawala ang pag-asang ito. naging b+, at ngayon, matapos ang huling examen, nasa B o C+ nalang ang inaasahan ko. anak ng tinapa. hindi naman sobrang mahirap ng asignaturang ito. oo nga't ika'y mapapalaban dito, pero nadadaan ito sa sipag, dahil naniniwala ako na lahat naman ng nasa ME ay meron na nung "skill" na kinakailangan din para dito.

Finance. ah ewan. patapon ako dito. hindi naman siya imposibleng galingan, dahil meron naman mga cholo, o mga anton na nakakakuha naman ng mga disenteng marka. bagama't mga diyos ang mga taong binanggit ko, naniniwala naman ako na kaya ko rin yon, kaya nating lahat yon. pero hello

stat. wala nakong masasabi ukol dito. salamat nalang pow at nakapagpasa ako ng mga kinakailangan

matheco. hello. easy A to. pero makaka-A nga ba ako? mukha ngang hinde eh. bakit? kasi GG ako hello COMPLACENCY

history 165. 28/100. period.


ayoko nang magpredict para sa next sem, dahil naniniwala na ko na nakakasira nga talaga ito. basta't sususubukan (yes susubukan lang, dahil ayoko rin sabihin na gagawin na) ko na gawin ang lahat ng makakaya ko para bawiin sa susunod na semestre.

sa lahat ng naging mga kasama ko dito sa pabigat na sem na ito, mahal ko kayong lahat. wag tayo bibitiw ha?



anyway, hindi ko na muna gusto problemahin ang lahat ng iyon. bakasyon ngayon. dapat sulitin lahat to.

kagabi ay bumanat na kagad ako ng obernyt kela abilyar. pagkatapos ng or test ay umuwi muna ako para magpahinga, dahil talaga namang ubos na ang lakas ko gg. matapos nito, nagaya sila na magTribu nung gabi. syempre, ako naman ay sumunod. sembreak na eh :)

matapos ng aming inuman/kwentuhan (kaunti lang ang ininom namin), tumungo kami sa 129 (omfg nag129 ako) para magcounterstrike. yes, ang larong mahal ko nung hayskul. ako ay naadik nanaman muli dito. ang walang kamatayang counterstrike :D

bago umuwi, may magandang ginawa sila Psan and the rest of the gang. bakit? dahil paglabas namin ng 129, sa pagmamadaling maka "shotgun" ay apat silang pumunta sa maling sasakyan (take note, lima lang kami. kasama ang may-ari ng kotse sa mga nagkamali. kanya nang sinusubukan buksan ang pinto ng nasabing kotse.) oo, magyayabang ako, dahil ako lang ang nakapunta sa tamang sasakyan hehehehe

pero hinde parin ako nakashotgun. puta


sa bahay nila bilyar, naglaro lang kami ng nba 2k7 hanggang sa makatulog. tas paggising sa umaga, wala na sila bilyar, nagpunta nang gateway. kami nila psan ang naiwan at umuwi na kami sa aming mga tahanan.

tapos, sinundo ako nila chabes chabes para magpakulay ng buhok.

tae ayoko na magkwento mahaba eh, basta NIRIP OFF KAMI NG TINDERA.

TWICE

una: nabigyan si chabes ng gamit na na hair dye. naibalik namin ito at dinagdagan nalang ng libreng spray at 50% discount sa binili ko

pangalawa: hindi naman gumana lahat ng binili namin ni chabes

MAY KULAY NA TALAGA ANG BUHOK KO TAE GG



so iyon.

sa monday, LEADS na

shet sana masaya siya

indi ko parin nakakalimutan yung last time eh :D


sa saturday, alis nako papuntang hong kong :D

gusto ko na siya makita.. si buddha :p

yes. omg sa palagay ko sobrang magiging okey ng break na to :)

thanks Lord :D

Friday, October 06, 2006

hoo! day

dapat un update ko ngayon literal na update eh.. tipong ung events buong week

pero dahil boring un week ko, at naging unexpectedly interesting ang day na to, itong HOO! day ko nalang ang ibabalita ko ngayon

first up. stat. wala. as usual. gaming hour. wala. eh hindi ko rin naman magets un spss shit. sinubukan ko naman nun simula eh. nagparticipate pa nga ako. pero wala talaga.

finance. battle against sleep. nahiya ako eh. patapos na ang sem. oh! i hit the magic number sa test! 69!!! yesser! 64 na ang average ko, enough para maka auto c+ or b na yeahba!

break. wala. kunyari aral ng philo pero wala, nagfreecell din lang ako shitty ASA pa kasi un philo eh. i hate my speed. 15 mins/paragraph amppp PARANG MICHAEL SCHUMACHER SOOO FAST

philo class. hahaha battle against sleep ulet. patapos na nga ang sem. save face nalang, ma-F narin naman ako eh

histo class, interesting lecture. lagi naman eh. dakilang bayani pala si luna. may latigo si gago. hahahaha nice one. oh, binalik yung long test.

sila martin, 95, 85, 90. mga shitty high scores

ako? hmmmm what grade did i get kaya? hmm im so konyo na ser

28! omg record breaking!!! ako na ang champion ng core subjects

28 over 100 shit on me now yesser i am the best champion historian ever


6pm. histo test. 4 hours of hell.

alam kong aabot ako ng 10pm. nagvolunteer na nga ako na magstay hanggang 10, ako un magssubmit ng papers sa dela costa (wala kasing nagbabantay samin pag test). sobrang cool mode lang kami. un iba nagllaptop, nagddiscuss ng sagot, un isa napadalas ang yosi break. meron din naman nag serious gaming

ako? hmm. first 30 mins, basa ng extra readings. next 30 mins, isip ng issulat. 7pm na. inantok ako. next 30 mins, tulog. paggising ko, may nasulat ako konti. 2 paragraphs. by then, un iba mga nakaka 2 or 3 pages na.

tas mejo nafeel ko na yung gaming mode. umarangkada ako hanggang mga 1.5 pages. tas kalat mode ulet. tipong nagaattempt ako mag wifi para magtanong sa ym. tae walang signal sa f117.

tas mga 8 tumawag tatay ko. nagulat ako. mejo panic siya.


sabi nya, pwede daw ba magcommute ako. may problema daw

sabi ko, umuulan eh, ok lang sakin antayin ko kayo. ano ba nangyari?

uhh, tas nasa presinto daw pala siya. nakulong un driver namin. binugbog pa ata ng pulis

tas shempre mejo nagulat ako. tae as in naiimagine ko un sa mga sine na torture


so anyway sabi ng tatay ko pagsundo nalang nya chaka siya magkkwento


ntapos din ako sa philo. 2 pages of intermediate pad

un iba mga 7 pages, 4 or 3

ako 2! pad pa, sila naka print, or yellow pad


champion ako sa palagay ko. again. I'M MR CORE SUBJECT. I RULE THE SUBJECTS THAT ARE TRULY NECESSARY TO SUCCEED IN MY INTENDED PROFESSION


so anyway, nagkita na kami ng tatay ko. dinner sa mcdo. tas nagkwento siya.

turns out. parang nagsimula sa isang misunderstanding ung buong thing. intersection. may nagcut sa driver ko. tas magppark un kotse na nagcut. pero nakaharang un mobile ng pulis. so sinenyasan ng driver ko na umurong. umurong naman un pulis. pero sinundan un driver ko. eto naman si gago, makulet. binblockout nya un mobile. eventually, umabot sila sa opisina ng tatay ko. dun na nagkababaan.

nagusap sila. misunderstanding lang pala. kala kasi nun pulis minura at pinakyu siya ni dear driver. pero hindi naman ata. so nagkaayusan. paalis na sana un pulis. e etong si dearest friendly driver, nag-angas. nasa teritoryo eh. siga ng lugar kasi, tas madami atang nanonood. ayaw patalo. so nun pasakay na ng kotse, biglang nagbago isip. tumalikod, pinagmumura yun pulis, tas hinamon ng suntukan.

ayan, gago. naburat un pulis. hinuli. dinala sa presinto, pinosasan. tas ayaw parin umawat. salita parin ng salita. ayan, binanatan na. hinampas ng baril sa balikat. tas mukhang binugbog pa.

bakit ko pinagtatawanan? e kasi matigas din ulo ng driver ko eh. pinuntahan na ng tatay ko sa presinto. e mabait naman daw un mga pulis. magalang pa nga. talang burat lang un namurang pulis kasi siyempre sobrang nabastos daw siya. tas ayaw parin ngang tigilan kahit nasa presinto na. nun dumating pa un tatay ko dun, parang ginanahan ulet tas dumaldal nanaman. kyot amf.

ayan tuloy. kinasuhan ng pulis. GG mahassle pa ata ako bukas, ako ata magaasikaso sa kanya tae.

tae naman eh. sobrang parang kasama na nga sa pamilya un driver ko eh, kaya nga nun nde ko pa alam un kwento, sobrang naburat ako dun sa pulis. as in. tas wala. e kupal talaga driver ko minsan eh. tas parang nageenjoy pa dun sa presinto amf. pero shempre nde naman namin pababayaan yon eh, kahit na nappredict ko na na babalikan nya yung pulis na yon pag nakalabas na siya. sureball yan.


anyway, natapos yon. bigla nagvolunteer ng kwento ang tatay ko. may time din daw na siya muntik din hulihin ng pulis at ipabugbog. mejo ayaw ko na ikwento kasi wla, parang may ibang mga bagay na hinde ko lang gusto marinig mula sa isang magulang (clue: sexual ito)


tapos nun, sumunod kami sa kapatid ko sa kanyang retreat sa la salle. dahil mga 11pm na, bumisita lang kami. dinalhan namin ng chichiria at drinks. at least nageenjoy siya sa lasalle. natutuwa ako para sa kanya. hahaha. good job boy.

nameet ko dun ulet ang grade 6 adviser ko. si mrs. odronia. shems. naalala nya pa ko. well, at least kahit konti lang. wala lang. ang sarap lang nung feeling na babalik ka sa isang lugar na matagal mo na nde napupuntahan, tas kilala ka parin nung mga tao. ang saya eh. kahit hindi ako special, dahil naalala nila ako, parang ganun na din un feeling hahaha :)



anyway. magbabakasyon na.

gusto ko na magpunta sa lugar ni jackie chan. may tao akong gusto ko na makita :) hihihi

yesser. malapit na! kahit nagkakalat ako sa philo + histo game lang GG na

YEAHOOOOOOOOOOOOOO

Thursday, September 28, 2006

oh hello dear people

hmm patapos na ang september. wala, babatiin ko lang lahat ng september celebrants

BUT NO I AM NOT ABOUT TO COMMIT THE MISTAKE OF WRITING THEM DOWN as to i am surely going to forget someone and that will not be good especially when the said person gets to read said article

so for all of you peeps, (belated) HAPPY BIRTHDAY TO YOU! :)

walang pasok bukas omg gg its time to philo now i am truly inspired

nanood ako ng coach carter ngayon lang. shet alam ko na ang solusyon sa buhay ko ok? SI SAMUEL L. JACKSON

noong isang araw lang, seryosong pinagisipan ko ang narating ko na sa buhay ko. nakita ko na ako'y nabuhay sa pag-aaral, naging malusog, at masaya naman sa buhay. pero may mga bagay din naman talaga na hanggang ngayon ay hindi parin mabago. ayoko na ilista dahil marami yon at mahirap na. sapat na siguro na sabihin na kahit papano, nabago ko na kahit kaunti yung mga bagay na pinakaimportante sa listahang iyon

pero magbabalik ako sa pag-aaral

buong buhay ko, sa pag-aaral, at sa iba pang bagay na rin, natuto akong umasa sa likas kong kakayahan, kung ano-ano man iyon. nasanay akong madaliin ang mga bagay, ipagpaliban ito hanggang sa kung kailangan na itong gawin.

ang mahirap pa dito, hanggang sa ngayon, nagagawa kong malampasan at magawa ang mga bagay na ito, kahit nga ganito lang ang ginagawa ko. kumbaga, kahit tamad ako magbasa ng finance, or at stat ay nagagawa ko paring pumasa. lagi nalang ganito.

noong pinapanood ko ang coach carter, un ang dumaan sa isip ko. isipin nyo nalang kung patapon yung mga batang iyon, ngunit nagawa naman nilang ipasa ang mga asignatura nila? pano na yon? may mangyayari kayang matino? mababago ba sila?

yun ang problema ko. kailangan ko atang sumablay. kailangan ko atang madapa. at doon, matututo akong tumayo muli. ika nga ni dwayne wade,

"fall down seven times, stand up eight" (konting comedy, noong tintype ko, yung una kong nasulat ay "stand up seven times,". napatigil kagad ako at natawa ng konti. kalat naman)

hindi ko gets kung bakit seven times pa, pero basta bago ka nga naman maging mas malakas, kelangan mo rin munang pumalpak. hindi na natin nakikita ang rason para magbago kung ang ginagawa natin ngayon, kahit gano pa kamali, ay gumagana naman.

parang basketball lang yan. kahit gano pa kapangit ang form mo, e kung pumapasok naman, bakit mo babaguhin?

basta. ewan ko ba. pinagdadasal ko na itong philo na ito na ang maging wake-up call ko. maaring mahuli nga ako ng isang taon, pero kung dahil dito (sayang sobra ang isang taon) ay magawa kong magbago, matuto akong maging mas matinong estudyante, bakit hinde?

tas, kung dumating nga si SAMUEL L. JACKSON sa buhay ko, ay pipilitin nyang ako'y magbago at di na muli bumalik sa dati

tas magcchampion kami sa IAC! tas si psan magpapainom! yehey

pero ayun nga. sana lang talaga. gusto ko maging tulad nila iya, nila drea, lahat na ng mga kilala kong responsableng tao (ay hinde rin pala. may mga kilala akong mga responsable na ndi na ata marunong matulog at wala nang social life).

ang sipag nila. magaling sila mag manage ng time. may oras para mag-aral, magbasketball, manood ng sine, mag-parlor, mag-party, mang-boys, at mag-simba

grabe. saludo ako sa mga taong ganun

so ayun. di bale. may bonus din naman, malay mo may hot na sophomore sa philo 101 ko next year hahahaha omg gg na yon

Monday, September 25, 2006

kyot weekend

hooo ngayon lang ulit ako nagupdate gg na

ano nga ba ang nangyari sakin these past few days? hmm let me think. wala, gj un or test ko, well at least alam kong papasa ako. un nalang un consolation ko. at malamang lang nde rin un un cancellable ko :) yehey thanks lord.

after nun, mejo nag bakasyon ako for two days. wala ata ako pinasukan for thursday and friday. pumasok ako nung thursday pero para lang magbasketball. yeah gj kythe :))

tapos well, nakausap ko ulit si karen yehey! haha may webcam pa. anyway, ayun. ok weekend na? hahaha

uhh saturday.

umasa ako makakabasketball ako. pumunta akong ateneo on short notice, kasi naisip ko maglaro. tas bigla umulan. instead, kumain ako (GASTOS) and sinamahan si pam sandali sa aegis area. cool si rolling roy hahaha IRON CHEF ang get-up nya sa gradpic :)

tapos pumunta ako sa court. AT UMASA AKO dahil may dalawang org na NAG-HOG NG COURT dammit orgs pinaasa nyo ko ready to play pa naman ako

so anyway, nakita ko sila neal sa court, tas dumating si arnobit. una tumambay lang kami dun for around 20 mins, habang inaantay ang grpmates nila for eco. tas nun paalis na sila, nagdecide ako na sumabay nalang, kasi sa tiendesitas din naman sila.

totoo yung trip papunta. MAY NAGSASALITA TALAGA. halatang walang magkakakilala GG NAMAN. good job kasi si JC TIGER eh siya un asa likod tas walang sinasabi

so anyway, ang groupmates nila ay si kylee, at isa pa. haha si kylee lang naman ang importante sa entry na ito kasi gagaguhin ko si neal hohoho ASA KA NA HINDI KITA GAGUHIN :)

so ayun, dumating na kami sa tiendesitas. ang paper pala nila ay tungkol sa perfect competition at kung pano at kung pano hindi nireresemble ng isang tiangge ang model ng perfect competition. so nagsimula kaming magikot ikot at nagtingin sa mga tindahan. may mga great finds naman kami dun

1.) teddy bear na keychain, seems normal. PERO, ETO. bulok kasi ang telepono ko at nde makaupload sa pc, pero eto nalang. supposedly kasi nakaupo yung bear, at doon sa paa nya ay may nakasulat. PERO, ang lumalabas na image ay isang teddy bear na may breasts. seryoso. kung gusto nyo makita, sa ateneo nalang or pag nagkita tayo :)) OY HINDE AKO BUMILI nasa telepono ko lang ang picture

2.) bracelets, yes napabili kami ng bracelet ni neal dammit impulsive purchases

3.) trick shop sa tiendesitas. novelty items. ayaw na nga namin umalis dun, may parang bola na pag binato mo, nagiiba yung surface at un kulay haha gg! asa aliw na aliw ako. tas meron yun flashlight na walang battery, yun "de-pump". basta yun. muntik pa ko mapabili, practical naman e, pero naisip ko na payong nalang ang bilhin ko. DAMMIT SM NABIKTIMA NANAMAN AKO NG GOOD LOCATION NG MALL NYO BUMILI AKO NG PAYONG SA WATSONS DAHIL UMUULAN :(

anyway, dun sa shop meron pang kung ano anong bagay, mga lighters at un shock pen. sayang nga, bibili sana kami. parang sa iac, pag dun sa mag-sstats bibigyan namin ng bolpen hahaha surebol. o kaya yun mga tulad ni aeus na walang bolpen sa klase o kaya sa test, para GG siya biglang may sisigaw hohoho


so anyway, ntapos ang trip, UMATAK si neal hahahaha, at dumeretso ako sa dentista, pero naburat ako kasi hindi ako pinila ng tatay ko. pagdating ko madaming tao huhuhu tas siya tapos na :(

nagpunta kami sa off-price store sa may escriva drive, tas dun. napabili ako ng gamit. maraming narating un pera ko. for 700 pesos ata may shirt ako, long sleeves na shirt, tsinelas at shorts. GG na hahaha lahat nasuot ko na (nun shindig tas yung tsinelas at shirt kanina)

tapos umuwi ako, pero hayok ako lumabas, nung week pa lang desperado na talaga ako. pero bigla may thing sila martin and family kaya nde kami nakatuloy, so si chav ang tinext ko. dinaanan nya ko, tas dumretso kaming shindig (CONS NANDUN KA TALAGA, ikaw pa nag-aya). OPEN BAR GG YEHEY

tas nandun si nancy castiglione :o omg pero pangit tuhod nya i was not impressed. :( pero ok lang maganda parin siya :)

nandun sila miggy, ari, jdot, chad, at si boss sonnie. nandun din ang girlfriend ni miggy, si karla, at yung atak ni chav :) hahahaha pero umalis din sila at nagparty

si bilyar at 129 gang nandun din. ATAKMAN BILYAR OMG

so nagpaulan ng jaeger at ng amarula. yehey sinulit ko naman. tae nakarami akng jaeger, mainit sa lalamunan hahaha

pero eventually naubos un drinks

nagdecide kami na mag-proceed sa fort, para atak si chabes hahaha :) peace tayo

pero dinaanan muna namin si miggy sa metrowalk dahil may pinuntahan siyang party. at omg, nandun si sab par! hahaha nagulat ako

omg sab par is a party girl :) hahaha


dumeretso na kami sa fort. pagdating dun, punta kaming jaipur, at dun atak na. ok na sana un gabi. pero nabiktima si chav at miggy ng cellphone snatcher.

feel ko nadali din ako eh, pero binalik sa bulsa ko, kasi baka sila pa yun magbayad para lang mabenta un telepono ko. bulok eh

shet, sobrang patalo yun sa araw. grabe, sobrang ok na dapat eh. shindig + fort. tae PATALO DIE SNATCHERS


I HAB BEEN REMINDED OF THE PAIN I FELT WHEN I LOST MY PHONE ON THE TRAIN tae kahit tumatawa lang ako nun sa court nun dumating ako, paguwi i was deeply hurt dammit

gusto ko pa bilhin dun sa nakanakaw nung fone ko DAMMIT NAMAN HASSLE TALAGA

shet chav miggy sorry ako din nagaya ata pumunta dun hayok ako magparty eh tae bat nga ba ako nahayok? ewan feel ko lang lumabas eh, 1st time ko yun haha gg


sunday.. hmm

sinundo ko yung block rosary dun sa kapitbahay dahil wala si mommy. so ako lang un bata at puro old folks un andun, pero ok lang naman. nag rosary kami, tas nagsharing ng kaunti tungkol sa gospel of the day, tas kumain, tas un na, dinala na un mama mary dito sa bahay.


tapos nung gabi, nagonline ulet siya. yehey :) hahah pero sabi ko hinde ko siya kakausapin eh. wala. parang "fasting" hahaha. feel ko ankulet ko na eh, lagi nalang ako nagmmsg. tsaka para naman maipon un mga kwento hahaha, but no. nagmsg si iya. sabi niya, mag hi daw ako para sa kanya. ayun na. shempre gusto ko rin naman. tae GG AKO SA TEMPTATION

PARANG PAGKAIN

OMG I AM DIETING AGAIN FOR MY BROTHER! the weighing scale has confirmed my fears! he weighs more than me dammit

FOR HIM I WILL NOT EAT RICE AND EXERCISE SO I WILL SET A GOOD EXAMPLE FOR HIM

pinagalitan ako ng tatay ko ok? sabi nya mamamatay daw ng maaga yun kapatid ko kung wala akong gawin. tae ba siya? ano ginawa nya? DAMMIT


ANYWAY I DIE NOW PLEASE LORD I WANT TO WATCH UAAP PLEASE FREECUT ON THURSDAY LORD PLEASE I HATE CORE SUBJECTS

PHILO IS MURDERING ME RIGHT NOW sana dobol weight nalang un matheco ko tas audit lang un philo tae naman PHILO BURN IN HELL sana kasi kung ako lang yun F diba i shall accept my stupidity but no, more than half of us are suffering from the same fate GG NAMAN


I WILL LAUGH AT MYSELF IF I DO NOT FINISH COLLEGE BECAUSE OF PHILO HAHAHHAHA I AM A STUPID STUPID BOY

OK I WILL SLEEP NOW BB

Monday, September 18, 2006

0-2

hi. i use this blog to officially announce that my "pawn" and "clown" career is over.

hinde na muli ako sasabak sa mga labanan na tulad ng mr & ms som at meababe matapos ang 0-for-2 career ko

hohoho na-GG ako shet sorry jia patalo ako kinain mo pa naman sila ng buhay gamit ang pagkanta mo. I PROVED MY CRITICS WRONG YES! sabi sa nakaraang entry, sabi nila kaboses ko si taylor hicks. ASA!

tulad nga ng napanood ng mga tao sa pageant night, TAYLOR NA TAYLOR NGA! asa kayo critics. haha critics talaga, e sabi na nga nila maganda. GG NAMAN

congrats nalang sa MEA sa pagkamit ng 3rd place sa SOM week. pero sorry dahil kaya ata natin maka-2nd man lang sorry talaga. di bale next year, babawi tayo! diba batch 2008? YES!!!

pero at least magaling akong ALADDIN yes i have found my true new persona now i am ALADDIN THE PERSIAN PRINCE, sna persian talaga siya

oh and yes kilala nako ng SOM faculty! OMG kahit na ginagago pa nila ako, "galing naman!" hahaha truly hindi makabasag-salamin ang ginawa ko kanina hahahaha

at least may mga nakilala ako sa som week. wala nakasama ko ulit un mga PE gang ko, si mr misa and mr maca, at nakilala ko rin un mga ibang tao dun :D hoho GG na

salamat din sa mga MEAns na nagsupport, kahit ata sobrang dami nyong kelangan gawin. WOOHOO! YES THANKS GUYS


anyway, back to normal nanaman ang buhay. may long tests at requirements nanaman patay nanaman ako i shall pray now.

actually nagsimba ako nung sunday (nagsisimba ako dont worry minention ko lang)

tas naintriga ako dun sa homily wala lang parang tinamaan lang ako (pero hinde yun un first time, madalas naman akong natatamaan. tas madalas pag may dinidiscuss siyang bad trait, bad shot na ako kay Lord. sorry po)

wala, kasi parang dinidiscuss nun pari yun suffering. sabi nya suffering makes us stronger. shempre nde naman dapat maghanap ng problema, pero dapat nde rin iwasan yun mga ganyan. kaya lang dapat din matuto tayo magreact kasi wala namang kwenta kung hinde ka rin nagaadapt.

basta anyway, tinamaan lang ako kasi wala. parang binanggit nya rin yun mga tamad. well, more of pampered ata un example nya (parang 3rd year college student ata a hinde pa nakasakay ng jeep or something). pero anyway, ang point ko lang ay dapat nga magising na ako. wala

alam ko namang tamad ako eh. pero hindi pa ako nagrereact. parang nakakaF na ako sa philo, tas mababa pa ako dun sa 2nd OR LT, tas F din ako sa finance LT. pero wala. parang magaaral lang ako para makabawi, tas balik sa dati. parang ayoko lang antayin na nde pako mag SMEG para lang magbago permanently. ayun lang. ayoko na pahabain pa ang diskusyon.



tas may isa pa. kanina naman, nung nanood ng pageant finals, yun tanong dun sa top 3, "what is the most important value you have learned from the SOM?"

wala. trip ko lang sagutin (no hinde naman ako bitter na hinde ako umabot ng top 3, pero wala, astig lang yun tanong)

haha wala. kasi nga enjoy maging SOM, or ME in particular. parang natuto ako ng isang value hbang dumadaan pa sa isa, habang may isa pa ulet na value na inaalam (mejo pilit na yun pangatlo)

let me explain

wala. parang ME kasi ang nagturo sakin ng pagbagsak. wala lang (oo kahit may quarter ako sa pisay na 6 na subject ata un bagsak ko, at mga shitty subjects pa to [val ed, health, english, etc], parang nde ko naisip na matatanggal ako ng pisay, or at least nde ko nagfeel talaga at nde rin ako natakot.)

pero ngayon sa ateneo, ibang klase. parang lalo na pag major un binagsak mo (mas maganda ata ang failure). wala, kasi parang masasabi ko na un experience ng failure un pinakamagandang bagay na napulot ko sa SOM so far. kasi parang dahil dito, natuto akong pulutin lahat ng mga pira-piraso (pick up the pieces) at lumaban para makabawi.

may mga tao na natututunan pa yan, pag sumasabak na sila sa business na. tipong buong buhay nila sa skwela parang wala, andali dali lang tas kinakain nila ng buhay, tas pagdating nila sa trabaho or sa business, parang dun sila hindi magtatagumpay, tas parang hirapan sila bumawi kasi hindi pa nila nararanasan yon. magaling nalang un mga nakakabawi yumayaman pa lalo (damn you donald trump tae naging bankrupt ka na nga e)

ayun, at habang pinagdadaanan ko yon ay natututo din ako mag-aral (konti lang) at makipagtulungan sa mga kaibigan. sila yun mga makakasama mo gumawa ng groupwork, magreview sa bahay o sa lib o sa coffee shop hanggang madaling araw. sila yun mga makakalaro mo ng basketball. at shempre, sila un mga makakasama mo sa inuman pagtapos ng hell week :D

thank God for friends :D hahaha

at shempre lahat yan ay nangyayari habang natututo tayo ng maraming important na values tulad ng present value, bond value, at marami pang ibang values na siguradong magagamit natin sa ating mga magiging trabaho (maliban nalang kung matanggal ako ng ME at magpunta nalang sa states para maghugas ng pwet ng mga senior citizen)


tae, sabi ko nga kanina, balik hell week na. goodluck sating lahat! SANDALI NALANG SMEG NA TAYO OMG PLEASE SANA MAKAABOT AKO

at shempre thanks Lord dahil nakausap ko siya ulet. hahaha wala lang yun lang po.

Saturday, September 16, 2006

SOMe night!

hohoho! enjoy ang som night kagabi! :D yehey!

first of all, hahaha sori patalo ako kagabi. tae. buti pa si jia. bengga hahaha. lalo na dun sa mga pumunta pa kagabi, sori. :)

hmm. pero, seryoso astig kagabi. hahaha. sureball un mga girls (and jules. actually, especially jules) sobrang saya. alam nyo na kung bakit :))

ako din nakasulit. hahaha wala. masaya lang manood ng fashion show at ng mga taong kumakanta :)

may libre din namang alcohol, kaya lang feel ko na-gg nanaman ako. tae kasi un namigay ng freebie absinthe na yan. lang kwenta. sorry pala dun sa mga nakasama ko magdinner. kalat ata ako nun.

ay, thanks din kay sir aly sa dinner. nagulat ako dun. :)) yehey!


AT NEWS FLASH! AKO AY ISANG MASTER DETECTIVE NA!!

DAMMIT BAGO AKO MAGSIMULA MAG OR AY TINAPOS KO MUNA ANG MYSTERY CASE FILES NA YAN TAE IT IS ADDICTING AND TIME CONSUMING

TAE PA YUNG FINAL STAGE CHAMBA LANG AKO GG YUNG STONES PARA BUKSAN UN BOX HUHUHU I DIE NOW I WASTED MUCH TIME BUT I STILL WANT TO PLAY HUHU

KAHIT WALA NANG MADDEN MYSTERY CASE FILES NA LANG

ASSA ANG MADDEN!

from now on i shall add MASTER DETECTIVE to my resume bahala na matawa yung mga aaplyan ko sa OJT pag nakita nila yon, i take pride in my achievement

imagine o: accomplishments:

MASTER DETECTIVE - MYSTERY CASE FILES PRIME SUSPECTS omg nakakasindak i will surely give a high salary to this person he deserves it

yesyes it is time to study or again the dual and primal shit is ruining my brain it is becoming mellow again i die now huhuhu :((

at least nde na ako gagawa ng case sa finance good job tayo martin at gino we made the right decision crunch time bengga yes


OH AND F AKO SA PHILO LONG TEST/MIDTERMS

BUT IT IS ALRIGHT

HINDI AKO NAGIISA. LAHAT ATA NG CLASSMATES KO F DIN. UN MGA KA-ROW KO NGA UMIIYAK PA

DAMMIT PHILO I STILL DO NOT SEE YOUR PURPOSE IN MY LIFE SORRY ATENEO I DONT THINK PHILO SHOULD BE A CORE SUBJECT

jayjay helterbrand is a beach boy

Lord wag lang ako umulit ng philo solb na ang buhay ko thanks po :)

Thursday, September 14, 2006

a tribute to jack

who is jack anyway? im referring to jack, the boy who went up the hill to fetch a pail of water, and then he fell down and broke his crown.

well, my blog tonight (this morning) is not really about jack, but its related anyway. the story has water, and someone falling down and losing more than his crown. also, i dont know the name of this guy, lets just say he's jack.

last tuesday morning, i was shocked upon hearing the news of the boy who died in star city. THE ONE AND ONLY STAR CITY THE DREAM PLACE OF KIDS BEFORE ENCHANTED KINGDOM WAS BORN! THE HOME OF THE ZYKLON LOOP AND THE LION KING HOUSE

why did this boy die? at first i did not know, becuase i heard the end of the newsflash. but luckily, my brother was watching and he knew the whole story. this boy allegedly rode the "wild river" (or the equivalent of jungle log jam, for those elites who haven't gone to star city). in the middle of the ride however, he becomes scared, and decides to get out of the log thingy. but, the log was already at the top of the ride. so what happens? he steps out and falls down. uhh dead? yes.

so let's review this whole sequence of events.

boy decides to ride wild river. ok. just like most young kids, he is excited to try new things. scared, perhaps, but still willing to try things.

boy hops on to log, log begins ascent. boy begins to feel pressure, ground moving away from eyes. people are getting smaller, his heart beats faster, he wants to go back. i presume this is where he starts to cry for his parents, who i assume did not ride with him, because this certainly would not have happened were they there.

next. log reaches top. boy decides to leave log. boy steps out, probably slips, falls down and dies.

uhh, whats wrong with that sequence right there? he's supposed to be scared! but why did he decide to go down? WTF? (im assuming that he's scared of heights, because i don't think there's anything else that he'd be scared about in that ride, except perhaps being afraid of getting wet, which is even a sadder way to die.) what could he have been thinking? "OHH IM SO SCARED OF HEIGHTS! WHY DON'T I STEP OUT AND GET ON THIS LITTLE SLIPPERY FLOOR SO I WON'T BE SCARED?" ugh.

i shouldn't be mocking this, because a kid actually died, but, man, wasn't that a really stupid thing to do.

so, what is the moral lesson here? uhh, i guess its just that you really have to think before you act. emotions like that (pressure, fright, happiness, etc) may lead you to do things that otherwise you wouldn't have. take a minute or two to consider what you're actually doing, and you may actually end up saving your life.


tae bat english yon? haha kalat ako basta type lang ako ng type tas english yun lumabas. 1:30 na kasi tas inde ako makatulog. nakahiga nako sa kama kanina pero nde tlaga ako makatulog GG.

ang lamig pa dun sa kwarto.

naisip ko tuloy, diba pag mainit, sasabihin mo "OMG ITS AS HOT AS HELL!"

pano pag malamig? nde naman pwede na "cold as heaven" diba? well ewan, pero hinde naman siguro malamig ng sobra sa heaven. paradise eh, naisip ko na parang hawaii na ok yun klima tas sunny beaches and pretty girls hahaha

so ano nga ba? "OMG ITS AS COLD AS __________!"

sa palagay nyo? ano ba ang tamang ilagay jan?

hinde ko naman gusto na "cold as ice" or "cold as iceland or kung ano mang lugar sa mundo" ang panget eh. palagay ko hinde rin gagamitin ng mga konyo yan. "ITS LIKE, UHH, COLD AS ICE DIBA?" sagwa pakinggan eh.

using my great mathematical mind, i hab come up with a great solution! let us use the principles of mathematics to create a new expression to fill in the blanks with a word that is COOL and ready to be accepted by KONYOS everywhere

HELL INVERSE

diba? ganda pakinggan! "OMG ITS AS COLD AS HELL INVERSE!" MAY COOL FACTOR!

or kung konyo ka talaga "UHH ITS LIKE AS COLD AS HELL, TO THE NEGATIVE 1! noh?" diba diba? NO MATCH


haha kayo ba? ano ang inventive word/phrase nyo para i-fill in ang blank? para naman pag malamig sobra, meron na akong expression :D hahahaha


tae kalat ako. imbis na matulog. siya. babalik na ako sa kama. gg na

Tuesday, September 12, 2006

HI MY NAME IS GYUN-WOO

hohoho i am a movie actor now! i am gyun-woo in mea's version of my sassy girl omg

GG I DO NOT KNOW WHAT I HAVE GOTTEN MYSELF INTO

MY SIMPLE ACT OF COMPASSION (sabi ko naman last resort lang ako e) HAS LED ME TO THINGS THAT HAD PREVIOUSLY BEEN UNIMAGINABLE TO ME

dammit i will SING AND DANCE on friday ok??! i do not know how i can pull that off I WILL DIE IN THE MIDDLE OF THE PERFORMANCE BB TO YOU ALL

omg the say i look like TAYLOR HICKS (buhok daw, at BOSES OMG I AM THE NEXT A IDOL) SO I LOOK LIKE JAY LENO ALSO! AHA I WILL ALSO BE A GREAT TALK SHOW HOST YES I AM VERY CUTE. pero nun nagsshooting naman kami for video, kamukha ko naman daw si GYUN-WOO?! WTF ano ba talaga? baka naman pati ewoks kamukha ko



TOTOO SILA! TAYLOR AMF KAMUKHA KO TALAGA AT MAGALING TALAGA AKO KUMANTA OMG MAGSOSOLO AKO I WILL DIE OH SO SLOWLY. I WILL FADE INTO THE NIGHT I SHALL COMMIT HARAKIRI BEFORE I START SINGING SO MY HONOR IS STILL INTACT

buti nalang wala ka dito to see my downfall hohoho omg that night will be my greatest night yes at least i will save some dignity

HOHO I HAVE A NEW FRIEND IN OBE WE SHARE THE SORROWS IN HISTORY 165 AS WE HAB THE GREATEST SCORES IN THE LONG TEST :(


MOVING ON. kanina magkausap kami ng tatay ko tungkol sa mga bagay bagay na nasa isip nya. mejo marami din yon kanina.

unang una, un sa mapua. nakakatawa, kasi dun siya naggraduate, tas mejo binabash nya kanina. para daw dahil sobrang panget na nun quality ng students na galing dun (considering na nung time ata nya, the best source of engineers ata yun), para daw hinde na kinoconsider ng mga kumpanya un mga galing dun. sad. tas binabash nya kasi un mga taga-opisina nila, parang mga nakukuha nga lately ay galing mapua, pero eto kasing latest batch, parang un anak ng president ng company at mga kabarkada nya na walang trabaho. e wala. binabakstab nya kasi kalat daw talaga sila. GG

tas nagfashion talk din un tatay ko. gusto nya daw ng bagong uniform. SILVER NA POLO AT BEIGE NA SHORTS YEHEY

sabi ko bagay sa kanya kasi puti narin ang buhok nya gg siya OLD MAN NA ANG TATAY KO OMG NAKAKALBO NA SIYA gano kaya katagal bago ako makalbo o kaya mamuti ang buhok, TAE KAMUKHA KO PA NAMAN SI JAY LENO AT SI TAYLOR HICKS, MGA WHITE HAIRED BOYS OMG

tapos, gusto nya daw magpapayat. haha nagjjogging daw siya sa gabi, tas hinde siya kumakain ng lunch at dinner. sa puntong iyon ay inasar ko siya: "e bat tayo kumakain ng KFC?" at nakakuha tuloy ako ng extra wing GG AKALA KO SA GIRLS LANG GUMAGANA YON HOHO MAY NEW TRICK NA AKO FOR FREE FOOD

tapos nagkkwento din siya tungkol sa mga business deals nya

ayoko na inarrate, pero napaisip lang ako na kahit kelangan nga yun mga pinagaaralan natin sa school, lalo na kung magiging mga office executives tayo (ayoko nyan, gusto ko talaga sariling company, para pwede ako kumita kahit natutulog nalang ako GG parang sina gokongwei). pero mas importanteng marunong kang makisama, mamulitika, at maging gahaman para mabuhay sa business world.

dpat marunong kang magsuck-up (hinde suck) sa boss mo, a-la "vince mcmahon kiss my ass club". dapat din marunong kang gumawa ng side deals para kumita ka secretly sa mga transactions, at kumita rin ang mga kliyente mo para ikaw ay makabenta.

TAE MAGULO ANG BUSINESS BAKIT BAWAL ANG GOOD GUYS

GG NAMAN SO IBIG SABIHIN BA NUN AY DEMONYO NA SILA HENRY SY DAHIL SILA ANG BUSINESS LORDS?

sige magsisimula na ako sa pagiging true businessman dapat hayok pala ako sa kayamanan gg

Thursday, September 07, 2006

the car is sick

GG AKO SA STAT TEST

hindi naman dahil wala akong alam, dahil miraculously, kahit this week ko lang sinubukan aralin lahat ng bagay tungkol sa test ay naintindihan ko naman, at nasasagot ko ang mga tanong. PERO NADALI AKO NG SAKIT KO TAE

noong lunes pa ako nagkasakit, dahilan ng isang biglaang pagbuhos ng ulan sa ateneo at nwalan ako ng laban at nabasa. GG NA. TAS AYUN NAGKASAKIT AKO

HINDI TALAGA NANGHIHINA AKO NGUNIT PWEDE TALAGANG HINDI PUMASOK.

tas ayun na. umatak na nung QMT test. mejo okay pa ako habang nagsasagot, pero alam kong mas mabagal kesa sa regular ang pagproseso ng mga bagay sa ulo ko at kahit ung pagsulat at paggamit mismo ng calculator. CALCULATOR DAMMIT! PAMALI-MALI PA ANG PINDOT KO SA CALCULATOR! LECHE. tapos sa gitna pa ng test ay biglaan bumigat ang paghinga ko, tapos ay nablanko ang isip ko. akala ko nun ay tuluyan nang babagsak ang katawan ko. buti naman hinde, pero tae. GG parin. natapos ko talaga yung test

TAS MAY FINANCE PA BUKAS GG WELCOME TO THE DEAD MAN LAND

pero hindi dapat ako magalala, dahil nakaisip na ako ng pinakamagandang solusyon! STEROIDS ANG SAGOT SA LAHAT! isipin nyo, hindi naman bawal ang steroids sa ateneo! tas lalaki ang katawan ko, ibig sabihin, mas lalakas ang resistensya, mas kakana ako sa basketball, at basta malulutas ko ang marami kong suliranin at para naman mabawasan sa mga aalalahanin ang aking 'processor'. sana magamot din ng steroids ang lecheng scoliosis na ito para bengga na talaga.

PROMISE MANIWALA KAYO, SA PALAGAY KO MAGANDANG SOMBA ANG STEROIDS! MARAMING MAKIKINABANG DUN, LALO NA SA MGA LAMPAYATOT SA ATENEO HIHIHI. pwede rin imarket sa mga 'oppressed' sa ateneo, para naman makalaban na sila hoho


mapunta naman sa photoshoot

NEGRO AKO DAMMIT. nakakahiya kay jia. well sa lahat pala. para akong igorot don. lahat sila ampuputi, kahit un mga lalaki. tas nung nagpapic na kami ni jia. YEHEY GUSTO KO IPAPHOTOSHOP ANG MUKHA KO PLEASE PAPUTIIN NYO AKO KAHIT SA PICS LANG

GUSTO KO MARAMDAMAN ANG KAPUTIAN NI MICHAEL JACKSON KAHIT SA COMPUTER LAMANG

AY IBOTO NYO PALA KAMI HAHAHA go MR and MS MEA YEHEY


at nagpplug ako, dahil balak ko pumunta! MEAns! punta kayo sa MEA BOWL FOR FAME!!


at nagpapasalamat din ako kay Lord, at sa mga imbentor ng Yahoo! para sa Yahoo! Messenger! :D

grabe. namiss ko siya sobra. pero dahil sa tulong ng Yahoo! Messenger with Voice, nakapagusap na muli kami :p yehey! diba? ang saya ng Yahoo!

haha tae para akong nagaadvertise. sana binabayaran ako para diyan.


BAKA GUSTO NYONG IPROMOTE KO ANG MGA PRODUKTO NYO, HAHAHA MAGPPOST PA AKO NG PICS DITO! PWEDENG PWEDE! SHEMPRE MAY BAYAD HAHAHA YEY :D

Saturday, September 02, 2006

yehey my true sipag sem

in another display of my great and intense dedication to my academic requirements this semester, lumabas nanaman ako kagabi. but wait

first of all, congrats to TEAM ONE for a great victory! dahil sa panalong ito, naipakita ng koponan ang puso at ang kakayanan na sumabak sa labanan kahit na grabehan na ang pressure (pota ano tagalog nyan?)! malakas ang nakalaban namin kahapon, at muntik nga kaming natalo, kung hinde lang naging maganda ang laro ng aming mga star players, at dahil na rin sa kasal nila chav at ni charles tiu hoho

tapos nun ay nagFLAMING WINGS kami nila aeus, janze, chav, karlvin, manny. sumunod din si aki pagkatapos. ako ay napalaban dahil sa lintek na WILD WINGS NA IYAN. DAMMIT MAANGHANG SIYA UMINOM AKO NG SANGKATUTAK NA TUBIG PARA LANG MAWALA ANG ANGHANG! I SHALL NEVER EAT WILD WINGS AGAIN! DOWN WITH FLAMING WINGS

matapos nito ay bumalik kami sa ateneo upang manood ng basketball habang nagpapalipas ng oras. tatlo kami ni chav at manny (OMG KASAMA NAMIN SI MANNY). sayang at natalo ang koponan ni ben blaza dahil sa isang tira sa huling segundo na sa palagay ko ay isang chambang tira. tapos ay nanood pa kami ng ibang laro, kasama na dun ang laro ng dalawang team sa celadon stand-alone (ata) na masasabi ko lang ay sa tingin ko, hindi sila ang magwawagi sa torneong iyon (paumanhin at nagtunog mayabang iyon, ngunit kahit itanong nyo sa mga kasama ko ay iyon din ang sasabihin nila)

matapos nito ay naisipan na namin ni chav na maglakbay. pumunta kaming drews para umubos ng isang pitsel ng ginstraw, NA LASANG GAMOT DAMMIT SULET NANAMAN ANG PERA KO POTA. dito sa drews ko nakita kung pano nakachamba ang ESPANYA sa FIBA championships. FREE THROW AMF

at nagagalit din ako dahil si NOCIONI ang tumira ng last shot at hindi ang idolo ko na si MANU dahil siya ay mainit nung huling yugto ng laro sapagkat naihabol nya ang koponan! SI MANU DAPAT ANG HARI OK?

tapos nito ay nagpunta naman kami sa greenhills dahil wala pa si miggy (silva) sa valle, kaya naghanap muna kami ng ibang mapupuntahan. doon kami nakarating sa black betty bar sa greenhills, na isa palang BALLROOM DANCING BAR! YEHEY! nakilala ko ang dalawang kaibigan ni chav na sina carl at jake (tama ba? siya pa naman yung may-ari omg :| ). naka free beer kami doon hoho. tas totoong bagay kami sa lugar dahil lahat ay naka decent clothes at kami ni chav ay naka shirt, pants at tsinelas lamang. great. marami pa namang hi-profile people don, at kami ay mga kalat lamang. swak na swak tlaga kami sa crowd omg. SANA NGA AY HUMATAW KAMI NG BALLROOM DANCING PARA NAMAN SULET ANG BISITA. TAPOS PAPANISIN KO ANG MGA TAO DUN HOHOHO WITH MY DANCING SKILLS

tapos nakita namin si TIRSO CRUZ III!!! OMG STAR POWER! SIYA AY ISANG SEXY BEAST OK? MY GOD! SEXY BEAST! kahit na siya ay mga 50-anyos na ay nagagawa niya paring i-expose ang kanyang chest at magsuot ng DI clothes! tas meron pa siyang "the one ring" na necklace, a-la FRODO! omg

TAS MAY THE GREAT MOMENT KAMI HOHO

tumambay kami sa THE BANYO nila, dahil mayroong couch sa loob. true guys kami dahil doon kami umiinom ng beer. sa isang couch sa loob ng men's cr! tapos may isang THE MAN na pumasok na di namin kilala. dahil yung couch ay nakaharap sa mga urinals, nakikita namin sila habang ginagawa nila ang kanilang mga "duties". yung THE MAN na yon ang special. pagtayo dun sa urinal ay bigla niyang binaba ang kanyang pantalon hanggang sa tuhod. buti nalang at hindi naman siya nagtanggal ng damit, pero ayun na nga, nakababa ang kanyang pantalon. tapos nun ay nakita namin ang kanyang polo na nakatuck-in sa loob ng kanyang brip, kung kaya't nagmukha siyang SUPERMAN dahil ang polo ang nasa loob at nasa labas ang brip.

nagtinginan nalang kaming apat at nagsimulang tumawa, pero siyempre ay sinusubukan din naming pigilan ito dahil lubos na nakakahiya doon sa taong iyon. ngunit nung paglabas nya ay hinde na kami nakapagpigil at tumawa na ng malakas na parang mga lasing sa loob ng men's cr

matapos nun ay tumambay lang kami sandali sa opisina nung bar at matapos nun ay nagsialisan narin kami.


ang sunod na adventure namin ni chabes ay ang paghahanap ng CARLSBERG beer. naglibot kami sa maraming ministop sa lugar ng ortigas bago tuluyang mawalan ng gana at dumeretso na sa katipunan kung saan sureball na meron.

tapos nito ay dumeretso na kami sa valle 6 kung saan tinagpo namin si miggy at doon na nagkalat. masarap makipagkwentuhan at magkalat lamang doon. wala. parang ang relax, tas enjoy sila kasama yehey :D

masarap din ang carlsberg beer. tas mura pa. well, hinde pala siya sobrang mura, pero kung tutuusin na ang ibang bote ng imported beer ay nasa mga P50 pataas, at ito ay P31 lamang, sulit na! mas masarap ng di hamak sa san mig.

pero, wala paring tatalo sa asahi beer. hoho japanese rice beers = pwede. may nagsabi din sakin na masarap din ang kirin beer, at may nakita akong ganun sa ministop sa kapitolyo, ngunit hindi ko binili. sa susunod nalang, subukan ko uminom nun para GG


YEY OFF TO ADMU NA HELL WEEK NEXT WEEK GG

Thursday, August 31, 2006

hot/cold

it was a good/bad day hoho

bad:
1. truly nakaconsult kami for QMT.
2. GG AKO SUREBALL SA HISTO 165 LONG TEST. a tae asa ka pa kasi sa KOMIKS hohoho ayan ang napala mo, GG KA BOY. sequencing events GG YES
3. hmm. wala. kalat ako in general. tas 1048 na, tas wala.... pa


good:
1. haha nakainterview ako for MEA tungkol sa MIB volleyball. haha lively ang conversation. naggaguhan lang ang mga tao. or more specifically, may ginago na specific person. NAKAGAT NYA DILA NYA LIKE HELL FOR SURE
2. FAT BOY AKO GG THANK YOU SA MAX'S DINNER ANNASAN HOHOHO :D
3. PANALO ANG RAVENS!!

obviously best part ng day. as in before magstart un laro, nde ako makasulat dahil nanginginig ako sobra. big game pa naman. ravens vs. meatballers (or team bang)

wala. mejo blazing start sila care of rr + ringo. tipong 16-4 at the end of the first quarter. tas yung 4 namin, tig 2 sa first at last minute ng quarter.

but i am very proud of my next move. 2nd quarter. naisip ko na tauhin si ringo (oo na, asa ako, i am a slow dog). natagalan ko naman for about half the quarter, at talagang nde siya nakahawak ng bola. YEHEY. pero eto na, pumalit sakin si EPAC, and mas maganda ang nagawa nya. MAS SOLIDONG SHUTDOWN. gj epac. siya kasi speed ang ginamit. ako power and size advantage lang. hoho

by the end of the half, yun 10 pt deficit, naging 10 pt lead. GG. BUT IT DOES NOT END THERE! nakahabol sila, thanks to the heroic efforts of Apags. gj din siya, top scorer with 23 points for the game. binuhat niya ang meatballers at binalik sila within striking distance.

PERO ETO NA SI JC DAVID. HOHO ORAS NA PARA PAKAWALAN ANG THE FRANCHISE NG RAVENS (oo ikaw na). unstoppable s.o.b. siya tae. at siya ang nagbuhat samin para nde rin kami maiwan

pero hinde dapat natin kaligtaan ang mga ibang kasali sa koponan, lalo na si mr. F BASILIO, na naisipan na i-cut ang STAT TRAINING para sa BASKETBALL (GOOD JOB!). dahil sa kanyang mga timely baskets and passes habang nagkakalat si mr. david, nabuhay kami. si jeric h din dahil sa kanyang newfound inside dominance offensively and defensively. omg

AND MOST OF ALL, THE MAN OF THE HOUR

PAOLO SANTOS!!! dinistract niya ang team bang sa isang crucial possession dahil bigla siyang kumanta ng "moonlight over paris" at kung kaya naman aming nakuha muli ang bola!

pero seryoso, ang kanyang 2 MONSTER blocks laban kay mr. jordan ang nagbigay ng panalo sa amin. naubusan sila ng shot clock, habang lamang kami ng isang punto.

and yours truly? HOHO CHOKER BOY. nakamintis ako ng apat na free throw, kasama na diyan ang dalawa matapos akong i-foul habang may nalalabi pang 5 segundo sa laro. buti nalang at nakuha ko rin ang rebound (HOHO 11 rebs), at natapos na ang oras

AT DUN AKO NAKASHOOT NG FREE THROW

KUNG KELAN PANALO NA KAMI AT WALA NANG KWENTA KUNG MAISHOOT KO O HINDE

AKO AY ISANG SHITTY BOY GG ASA


MAY KWENTO SI ACEYORK. MAY ISANG WITCH NA KINALABAN NI JACKIE CHAN HOHO NAKAKATAWA KA ACEYORK :D


YEHEY KINAKARIR KO ANG PAGEANTS OK?? NOW I AM MR. MEA, REPRESENTING THE ORG FOR MR. SOM!!! OMG I AM OFFICIALLY A PRETTY BOY NOW

THIS ONLY MEANS ONE THING! I AM IN THE SAME LEVEL AS CHRIS "SURE WIN" TIU!

DAHIL KUNG HINDE YUN GANUN, BAT HINDE NALANG SIYA ANG KINUHA?

hinde joke lang. ang feeling ko naman. hahaha. tae. GG lang ako. volunteer amf. umasa ako na may ibang papayag. sabi ko "temporary" lang e. pero what the hell, experience din naman.

BAKA MAPANALUNAN KO PA ANG GRAND PRIZE NA PARKING SLOT SA TABI NG SLOT NI MR. RUDY ANG! OMG HOHOHO I AM 1337 (elite)

I WILL SHOW OF MY SEXY BODY SO I WILL SURE WIN IN THE CONTEST (talagang sexy ka boy hahaha)

OH. GOODLUCK NEXT WEEK. GG HELL WEEK. FINANCE + STAT NA TOTOONG MADALING INTINDIHIN PAREHO. ayoko nang magelaborate, baka ma-randy nanaman ako. DAMMET

Saturday, August 26, 2006

PARTY CRASHERS

first of all, congrats to team one for the great win today! :D good job, sana tuloy tuloy lang!

sorry vinong, asa ka maka-shoot, bwakaw ako eh hahaha

at gino, i hope you make a speedy recovery, at sana hinde sobrang grabe nyan


nag railings dinner kami sa mcdo after the game.

yehey, tagal ko na nde nakakasama sa railings things. hohoho

tas nun tumambay kami kela bilyar sandali.

tas may party sa clubhouse ng valle 1! haha naconvince ko si aceyork na maging partner in crime ko.

ang labo pa namin. ayaw kasi sumama ni psan at ni bilyar. so kami lang ni ace. tas nag antay kami ng good opportunity. andun lang kami sa pintuan. tas BINGO! MAY UNKNOWN GUY NA KUMAWAY SAKIN. FEELING SOCIALITE AMF

SO AYUN NA YUN OPPORTUNITY. pumasok kami. kuha kami ng drinks. tas kumaway kela bilyar galing sa loob

TAS NAHAYOK SI BILYAR HAHAHA, pero asa na siya makapasok kasi lumabas na kami hohoho

TAS NGAYON GUSTO NYA NA MAGINQUIRE KUNG KELAN ANG PARTY PARA SMA NA SIYA NEXT TIME OMG YEHEY PROFESSIONAL PARTY CRASHERS NA KAMI HOHOHO


bball talk ulet konti

may nagdunk dun sa vv1 courts habang nagaantay kami makapasok sa party. yun lang hahaha

Thursday, August 24, 2006

kobe is the key

(may edit :p)
birthday ni jeric today. happy 21st birthday jeric :D yes, 21 na nga :)

kumain kami sa chocolate kiss today, hello first big gastos in 2 weeks. pero okay lang. marami akong nakasamang pisay ulet. iza, sab, sheena, at gerson + camille briefly. ok na yun. plus si mark pa pala na friend ni iza (pero hinde siya pisay).

sulet yun nagastos ko sa lunch for that :D

pero bago yon, nangailangan ko munang makipagsagupaan sa unang dalwang klase ko sa umaga.

hello QMT109 + finance.

tae. sa qmt, mejo nakakaparticipate pa ako. sulet! hoho, kahit wala akong alam hahahaha chambalero amff. KAYA YES CHARS DID NOT HAVE THE CHANCE TO INSULT THE SLEEPY BOY TODAY :)

but oh, finance was the killer blow. I COULD NOT STAND THE LECTURE (please do not search in the internet and find this ok? i dont want to die like in my macroeco). paos ung teacher, tas nakakaantok talaga. I DISCOVERED A NEW USE FOR MY BOOKSTAND! pag kinombo ko with my finance book, at pinatong ko ang ulo ko sa taas ng libro, tseneeeen! INSTANT SLEEP ITEM. HOHOHO MY SLEEP WAS HEAVEN. tas may isa pa. nakapikit lang ako, pero dahil nasa harap ko ang bookstand, MUKHA AKONG NAGBABASA!

YES I LOOK LIKE AN INTELLECTUAL :D

bumili ako ng cello's donut today. TAE KA CELLO i must cut down on expenses for the future ;)

mapa-basketball naman tayo

the pisay ravens grinded out (literally) a win over the pirates this afternoon, thanks to the heroics of Mr. John Christian David (tama ba?). his dribble move and jump shot with less than 10 seconds remaining did become the last shot of the game, and gave the ravens a 1-point victory.

tae ampangit ng laro dammit. WE SUCKED TODAY. HELLO TEAM GAME = TRULY EXISTENT

I FEEL THE PRESSURE NOW OF THE MATCH AGAINST TEAM BANG (aka MEATBALLERS) NEXT WEEK. please Lord i wish we can learn the plays.

please ravens, let us go all the way :) sana lang.


-------------------------

day 2. hohoho :( the sadness is still here.

------------------------

edit:

friday morning na. shocked parin ako!!

OMG 8 PLANETS NALANG ANG SOLAR SYSTEM OK??

my brain is puzzled now ok? how can this be?? FOR THE FIRST 17 YEARS OF MY LIFE, I HAVE KNOWN 9 PLANETS! mercury, venus, earth, mars, jupiter, saturn, uranus, neptune, pluto!!! PLUTO DAMMIT

PLUTO IS EVEN A FAMOUS DISNEY CHARACTER NOW! how can they do this?? ITS NOT RIGHT! ALL MY SCIENCE BOOKS CONTAIN THIS? it will take an eternity for me to learn that there are only 8 planets now! I REFUSE TO ACCEPT THIS

JOIN ME IN MY QUEST TO PUT PLUTO BACK TO WHERE IT BELONGS

EVEN WIKIPEDIA HAS BEEN UPDATED OMG SCIENTISTS ARE SHITTY PEOPLE

I DO NOT WANT TO TEACH MY CHILD THIS OK? I WANT TO TELL HIM ABOUT ALL OF THE 9 PLANETS! i do not care if he fails his science class! i will protect the legacy of the 9th rock from the sun!

DAMMIT THEY ARE PROPOSING TO ADD TO THE SOLAR SYSTEM, BUT THEY REMOVED PLUTO?? WTF

A ROCK NICKNAMED "XENA" IS IN THE LIST OF CANDIDATES FOR THE NEW PLANETS!! WTF PLUTO IS MORE FAMOUS THAN XENA! who can forget the lovable yellow orange dog of mickey mouse?? HE IS SO ADORABLE. XENA IS A MAN DISGUISED AS A WOMAN OK? LUCY LAWLESS AMF

dammit i want to edit the wikipedia article now! I REFUSE TO DENY PLUTO OF ITS PLANETHOOD. IT IS LIKE TAKING AWAY MY MANHOOD OK?

hohoho its almost class time. later

Wednesday, August 23, 2006

damn the chickens

hello it is a very sad day today :((

hello 22:22 na :)

hello adding to my sadness is the chicken.

i was eating my dinner, then i decided to eat the chicken skin. but oh, may secret buto dammit

IT HURT THE INSIDES OF MY MOUTH OK? IT BLED

I CRY AT THE PAIN

CHICKENS = SHIT


i want to cry now really

-----------

edit:

i remember too. tomorrow is tuesday (edit ng edit: heps thursday pala. TUESDAY TALAGA, wednesday ako nagpost hello :o)

i am ashamed to go to class i want to cry again

every morning the sleep monster visits me and i succumb to his charms everytime

and last tuesday chars laughed at me

I AM ASHAMED

she poked me repeatedly until i awoke and then she begun to laugh. and then she told about the pitiful state that i was in to her friends omg i want to curl under a shell and cry


ACEYORK WHY DID YOU NOT WAKE ME UP INSTEAD

DAMMIT INSTEAD OF WAKING ME UP WHAT DID YOU DO?

YOU PUT YOUR GADDAM BALLPEN THAT HAS NO INK INSIDE OF MY PENCILCASE

YOU THINK I WOULD NOT HAVE FOUND IT? FOOLISH BOY!


tomorrow chars will laugh at me again and remind me not to sleep, i can feel it now :(

Monday, August 21, 2006

hello day

today i was a true filipino

as usual, nalate nanaman ako for finance reporting. pero ngayon, nde ko kasalanan. mga quarter to 9 gising nako. pero totoong hinatid ako ng nanay ko. may lakad daw siya. sabi niya maliligo lang siya. so sabay parin ako para tipid. pero nakabreakfast nako, ntapos na un isang sine sa tv, totoong ready na siya. TAS MAY TUMAWAG PA SA KANYA. tae

11 nako nakarating. mas late pa nga ata.

tas. ayun. fumreeload pa ako kanina. marami talaga akong nagawa. tae. tae tae. meron naman akong nacontribute, pero napakaminimal nito. cholo is a machine ok?

tas. sumunod ako sa nanay ko at mga kapatid nya sa galle (thanks aeus). ayun na nga. sulet.

pagpasok ko pa lang, nakita ko si iya villania. may shooting sila ata for some show. parang promo para dun sa isang tindahan ng stylish cellphone covers and crap. tas ayun. nag filipino usyoso mode ako. haha umasa ako na makakapa-pic ako kasama siya. hello tae andaming tao. tas naattempt nalng ako na kunan siya with my high-tech cellphone. pero asa. andaming tao.

so umalis nalang ako.

turns out, nanood ng sine ang mga pinuntahan ko. hello devil wears prada. so ayun. nagantay ako. naglibot nalang ako dun sa sinehan, tinitignan yun mga posters. at haha tumambay ako dun sa tv na may trailer ng snakes on a plane. pinoy mode, libreng sine daw. yoohoo! SNAKES ON A PLANE. BLOCKBUSTER!!!!

tas wala. nakita ko pa yung poster ng "penguin, penguin, pano ka ginawa?". great. pati naman documentary tinagalize na. nde na ba sila nadala sa mga crappy anime products nila? kahit yun mga koreanovela eh. ACCURATE TRANSLATION!

tas eto pa. wala lang. maganda yung "march of the penguins" eh. tas magiging ganyan. tas mukhang minamarket pa na sobrang pambata. si sharon cuneta pa ang narrator. OH YES. gj philippines.

madaming couples dun sa bench sa likod ng escalator sa moviehouse. free date area. mejo naglalambingan sila dun, tas wala pa mashado nakakakita sa kanila.

dumeretso ako sa arcade. chineck out ko yun bagong tom's world. wala lang. at ayun. nakikinood ako sa mga naglalaro ng games. oh yes. gj. anyway, natempt din ako. 1 token lang kasi yun initial d dun (5 pesos lang isang token!), tas mejo nde ko na nagagamit in d card ko :)

after nun, wala. may family drama naman. parang sumunod sunod lang ako sa mga tita at nanay ko habang nagsshopping sila. sale sa galle. pero may pera talaga ako (tas marami pa kong utang). tas wala. nagsimula yung drama habang nagmemerienda kami. tas un isa kong tita and her daughter umakyat muna to check out some clothes. wala. tas ayun. yun mga naiwan sa baba, parang may sixth sense sila. nafeel na nila yun mangyayari. ganun kalakas mangchismis pamilya ko. parang kilala nila bawat pamilya. lahat ata ng bagay nakkwento. pati nga phone kong nawala, alam na ng mga tita kong mejo distant naman, eh hindi ko pa nga sinasabi directly sa nanay ko, sa tatay ko pa lang.

anyway, ayun. prinedict nila na madidissapoint un pinsan ko kasi may mahahanap siyang damit pero nde bibilhin nung mom niya. how prophetic. pagbaba nga nila. halatang sad un pinsan ko. nde pa nya kinain yun halo-halo. instead, inaya nya un isa pa naming pinsan na umakyat sa ibang shop.

nung sumunod kami sa taas, yung isang pinsan naman na yun un napa-drama. wala. kasi parang bumili siya ng damit para sa mom nya, tas parang nagalit pa yun mom kasi kala nya un money nung mom nya un nagamit. pero hinde naman. so wala. umiyak un pinsan ko. pero madali namang naresolbahan.

tas, after a while, bumalik nanaman dun sa unang pinsan ko. kasi parang dapat manonood sila ng sine. kelangan ata niya for some class. pero halatang nawalan siya ng gana, dahil parin sa pantalon na hinde nabili. at ayun. napagsabihan siya, at tumakbo nalang papuntang banyo. oh well

girls talaga.

buti pa kami nung kapatid ko (kahit na nde ko pa sigurado kung boy talaga siya). at peace lang kami haha. nagaasaran at naglalaro lang kami, habang secretly ay nakiki-usyoso sa mga drama at pagkatapos ay gagaguhin namin sila. pambawi lang, kasi sureball naman na nababackstab din kami ng mga kapamilya ko (hah, nanay ko yan a) pag sila sila ang nagsama at wala kami

tae. ang sad ng pamilya ko no?

backstab amf


at ngayon nasa bahay na ako. at matutulog na ako dahil 11:10 na at may 730am class pa ako bukas na 2 sunod na beses ko na nilalaktawan (ni-cut, hahaha)

ok. so goodnight :D

the Lord is good, sobra! thank you po.

grabe! WOOHOOOOOOOOOOOOOOO :D

Saturday, August 19, 2006

oh hello while i am waiting

tae. pagbukas ko ng tv. lebanon.

nag-banyo ako, tas yung dyaryo dun (na luma) LEBANON.

sa starbucks, habang nagbabasa ng finance, may naguusap tungkol sa lebanon.

tae.

gera kasi eh. sobrang hassle sa buhay.

tas yung sa news pa, parang sasawsaw pa si condolezza rice (na US secretary of state ata) para magdemand ng ceasefire/peace dun. HELLO MAY GERA DIN KAYO SA IRAQ tas kayo hindi kayo nagpapaawat.

bobo pala kayo eh. bat kaya sila makikinig sa inyo?

kasi dapat mga cavemen nalang tayo eh.

isipin mo nga, andaming advantages ng pagiging cavemen.

wala tayong weapons of mass destruction. kung may gera tayo, tipong nagbabatuhan lang tayo ng bato, o nagpapaluan ng kahoy. e di good job diba? at least ang magaaway lang yun talagang mga kasali lang sa gulo. walng nadadamay.

tas kung cavemen tayo, walang computer. at hindi ako nagbblog ngayon at naguubos ng oras na sana ay ginagamit ko upang lumanghap ng preskong hangin.

kung cavemen tayo, e di sana madaling magtrain ng mga pet. isipin nyo nga, kung hindi tayo mga civilized na tao, e di nakakaturo tayo by example diba? di tulad ngayon, para mag-roll over, may hawak na stick ang trainer at pinaiikot nya ito para gayahin ng aso. e kung gumulong na lang siya sa sahig diba? uncivilized kasi. o kaya yung pagtae at pag-ihi. prang maglalagay tayo ng dyaryo sa sahig natin, tas ano, aasa tayo na alam na nila na para dun yon? tas mabuburat ka pa pag hindi siya sa dyaryo naglabas ng galit? tsk. e kung sana umihi ka din dun sa dyaryo diba? para naman gets nya. uncivilized parin kasi.

tsk.

tae. may funny moments si chabes sakin kagabi tae. actually halos lagi naman eh. pero naka-dalawa siya kasi kagabi. hahaha.

una, yung "susuot ako ng shorts. (brip?). shoes." moment nya. parang natanga nalang kami lahat. tas yung yakuza imitation nya. tae

kahit paggising ko nun umaga natawa ako kasi naalala ko yun.

anyway. ayon. 10:40 na.

wala lang :D

Friday, August 18, 2006

haay. shit week update

3/4 6-9's done already

OR nalang bukas

kamusta ba?

hmm. nun monday naman, makeup eco class lang, steady

wednesday, shitty matheco lt. haha. tae. wala lang. marami talagang application ng lessons. tas anlawak talaga ng coverage. puro trick questions. (AB)' = B'A'. (AB)^-1 = B^-1 A^-1

kaninang thursday. hmm

wala lang. solb. PANALO RAVENS! O YES! and i ran over some silly boy. why is it funny? i dont know why. JC David is amused by it

but we truly had a good game. hello team chemistry. though micab did very well omg i praise him very much. he made great passes and got himself open very well. a spark plug to the HELLO ravens offense.

me? i was very HELLO today. i think i had 20 turnovers. and i caused JC David to commit many too. i pass to him in the outside.

we must practice ravens.

the philo LT? haha. everyone was so worried. i finished the game even if my test started at 6pm

pota tagalog na. tae hahaha 630 nako nakatest. pero ok lang. kailangan pasalamatan si Pao Avila dahil kanyang sinama si Macky, na lubos na nakatulong sa aking pagsagot sa pagsusulit, dahil nasagot nya ang karamihan sa mga tanong ko. salamat din kay Carlo (t1, kilala nyo to, ung kaklase natin sa SA) at sa kanyang girlfriend. magaling si carlo magturo ng philo, kahit na nakakatawa ang kanyang accent, na tila ay robot, magaling parin siya, dahil naipaliwanag niya ng mabuti ang topic, sa paraan na hindi ganoon kalalim na.

yehey. palagay ko ay mabubuhay ako sa philo mwahuhuhuhuhuhu

YES I WILL SURVIVE :D

tapos nagbonding pa kami ng philo classmates ko after magtest. kumain kami sa mcdo yehey. haha hello kyle, anna and pao. yehey

OR TOMORROW

LETS GO EVERYBODY

TAS TOTOONG MAKAKACELEBRATE TALAGA PAGKATAPOS

basa naman ng QMT, at basa + case sa finance. YEHEY

tas history pa hello history you are starting to become a burden kahit na sobrang gusto ko parin si ambeth

goodluck to everyone, and to those who are leaving for jta in the coming weeks, please take care ok? dont be part of Lost season 3 ok?

YEHEY NEXT WEEK NEW TV SEASON NA!!!! OMG HELLO ONE TREE HILL, P BREAK, SMALLVILLE, GREY'S ANATOMY, and LOST!

tas meron pang bago. VANISHED! tae naman o. tempting.

Tuesday, August 01, 2006

going away

wala lang. parang nakachamba ako. dalawang blog lang tinignan ko (kay jeric at iya)[sorry, next time na ulet, sinusubukan ko magseryoso for finance. mejo mas marami nakong nabasa tonight kesa sa first two months ng sem]

break lang sandali. mejo nahihilo nako. well, so much for 'bengga-ing' all the time. narealize ko na na hindi ko talaga pwedeng iwanan nga yung crammer personality ko. parang sobrang nagiging super productive ko pag ayan na yung deadline. pero indi ibig sabihin non na natatapos ko lahat. swerte lang ako, kasi parang kung ano un nagagawa ko lagi, mejo sakto lang para malampasan ko yun test/kung ano man na iyon. alam ko naman na pag may trabaho nako, mejo mazzero ako dahil dito, pero bahala na. pag nandun na lang, tsaka na ayusin.

anyway, kaya naman nagiimbento ng mga bagay ang mga tao kasi mashado silang tamad para sundin yung paraan na mayroon na para gawin ang isang bagay. kung masipag lahat ng tao, bat pa magiimbento ng kotse? bat pa magiimbento ng playstation? kung masipag nga un mga tao, imbis na inimbento nila ang basketball at iba pang mga sports, nagtrabaho nalang sana sila. hindi naman ata masaya yon.

anyway, parehong about mga taong aalis ang mga recent posts nila. wala lang. ang sad lang kasi.

yun mga pinsan ko nga na ka-close ko, lahat wala na dito (buti nalang babalik kayo this christmas. ituloy nyo yan please). may mga kaibigan na rin akong nawala.

tas hindi nman natatapos eh. ang lungkot lang talaga nung alam mong maghihiwalay kayo ng isang taong sobrang malapit sayo. kahit pa babalik naman siya, wala. mahirap parin. mabigat sa loob. hindi ka sanay na wala yung tao na yon sa mundo mo. ayun. malungkot talaga.

etong buwan na to, mejo maraming aalis. mamaya, si nico. oy, magiingat ka ah :) sana magenjoy ka sa singapore. wag ka ring mataranta pag bigla akong kumatok sa lugar nyo hehe :p mamatay ako pag may nangyaring masama sayo. naku :(

tapos si alven sa wednesday. pare, sobrang ok nun bakasyon mo dito. naenjoy ko, kahit ndi na tayo mashado nagkasama recently. nun bakasyon, sobrang enjoy. salamat sa lahat, isa ka sa mga kasama ko nitong summer na to :) balik ka ulet sa pasko or sa may :) magiingat ka lagi, at sana sulet buhay mo dun :D wag mo kami kakalimutan ha. tae ikaw ang 15 shot buddy ko :) un molson namin next time ha? :D

si chay in two weeks, paalis na din. great. pano yun? wala na kaming cook? pano na kami kakain ng pasta? pano na pag gutom kami at nasa parañaque area kami? malungkot na :(

pero seryoso, mamimiss kita. wala nang makulit na babae na bayolente na mahilig magyosi. isa lang yun sa t1. at yun na nga, wala rin kaming chef. wala narin kaming suporta galing sa militar, mawawalan na kami ng backup. :( sana magingat ka dun ah (iwasan ang mga bagay na dapat iwasan, gets mo naman ata e ;p) at sana uwian mo kami ng hot blonde women

si rina at karen din, paalis na, pero at least mejo late na ng onti. at least kayo abot ng tiger airlines haha. ifund nyo un trip ng t1 para mabisita namin kayo, game naman kayo blockmates diba? :)

sana magenjoy kayo sa pupuntahan nyo (korea at hong kong), at wag kalimutan ang mga pasalubong (jeon ji-hyun and siomai, pwede ring pating galing sa ocean park, or si mickey mouse).

mamimiss namin kayo dito. bibilis na ang conversations sa t1, mawawalan na ng slow, intimate moments. ang sad naman. tapos magiging all-tagalog narin ang usapan namin. nakakamiss naman ang slow english conversation :(

wala na ring girls na maiiwan sa t1. pam, magreklamo ka na. lagi ka na nga nassausage party nila aeus at martin. nako, tas ngayon wala pa silang dalawa? pagbalik nila, lalaki ka na haha :) or pwede ring lumilipad ka na :D


sa lahat ng aalis, magdasal kayo before umalis please? para naman walang mangyari sa mga flights nyo :) at wala. magenjoy nalang kayo dun para sakin, para naman mapahinga ako :)

kaya pag may bago kayong kaibigan jan, or nasa mall kayo, or nasa isang theme park kayo, lagi nyo kaming alalahanin ah. smeg sem. nageenjoy din kami.

parang sabi nga ng mga anak ni din eh: "wemishu", palagay ko naman pag sinabi kong mamimiss kayo ng t1, walang kokontra e. diba? :D

oh well. gudnyt nalang. at magingat kayong lahat :D

Monday, July 31, 2006

YESSSS! I HAVE DONE IT

THROUGH MY HERCULEAN EFFORTS I HAVE ACCOMPLISHED MY GREATEST MISSION

AFTER COUNTLESS HOURS OF TRASH TALKING AND INSULTS, I BELIEVE THAT MY BROTHER IS FINALLY A MAN

HERE'S HOW I FOUND OUT:

I WAS PACKING UP DVDS A WHILE AGO, BECAUSE I WAS GOING TO SELL MY PS2. I OPENED UP MY BROTHER'S CD CASE TO GET SOME OF THE GAMES THERE.

BUT TO MY SURPRISE, I FOUND SOMETHING ELSE

DVDS THAT WERE SLIPPED INSIDE THE WRONG WAY! HE'S HIDING SOMETHING

TURNS OUT, IT WAS "LIE TO ME" A MOVIE THAT I HAVENT HEARD OF. BUT FROM THE LOOKS AND TITLE OF THE DVD, IT FEELS LIKE THERE ARE SOME STEAMY SCENES THERE

ALSO, THERE WERE UNMARKED VCDS IN THE CASE, WHICH UPON MY INSPECTION, TURNS OUT TO BE "LIBERATED 2"

YES I KNOW, I AM CHRONICLING HIS ADVENTURES, AND I AM PROUD OF IT

THOSE TWO THINGS MIGHT SEEM WRONG, BUT IN THIS CASE, THEY ARE NOT

BECAUSE IT IS HIS FIRST KNOWN SIGN OF MANLINESS, AND I MUST SHARE IT WITH THE WORLD.

THIS IS ONE TIME THAT PORN HAS SAVED MY LIFE O YESS

THANK YOU DIANA ZUBIRI, YOU HAVE AIDED ME IN MY QUEST


BTW, I DID NOT PREVIOUSLY OWN THESE ITEMS. HE PROCURED THEM IN SOME OTHER WAY

Saturday, July 29, 2006

meababe ufooooooo!

haha wala lang. i didn't expect na ganito un effect ng meababe sakin.

grabe wala nang hiya sa katawan ko ngayon. after dancing like crap sa stage, fat guy against ultra-gayot guys. hah. tae astig. wala lang. ndi ko naexpect na matutuwa ako ng sobra. wala lang. astig talaga magkalat.

pero sori din dahil kalat ako. boo sayang lang talaga :(

tas wala. sana marami pang ganun. un nagsasamasama lang mea tas nageenjoy. ndi un aral lang ng aral (though again, its not like nagaaral na talaga ako ngayon hahaha)

pero ayun. wala lang. salamat sa lahat ng nanood at nagcheer :D i labshu ol :D

at kay mara, obe, gino, david, dan, alfie, martin at jdot: tenkyu! :D yehey dabest kayo!

go presentation!! XD

goodluck pala sa mga may fin LT mamaya :D

Thursday, July 20, 2006

"ano to?" "cellphone"

wala. ganun ako kakorni. kasi parang tinatanong kanina ni carina kung ano un phone ko. tas ayun ang aking great reply. ganyan talaga pag mababaw ka. grabe tumawa ako kanina dun, sa sarili kong hirit. nice one.

mag-2am na at may oras pa akong magblog. grabe no? samantalang un iba mejo kinakalawang at nilulumot na yun mga blog (di na uso, boy!). shempre dahil smeg sem na at hapit time na.

pero yun ang hindi ko maintindihan eh. hindi ko alam kung bat wala akong drive? grabe. nanonood ako ng initial d (plug! baka gusto nyo hahaha, tag lang :p), tas wala. parang ganun din yun problema niya. nawawalan siya ng motivation magdrive. pero shempre siya, andali niya nasolve. parang nakipagkarera siya sa street, tas ayun, nabuhayan siya. yes.

so, i have to do something i love in hope of finding that spark? wow. but the first thing i can think of is something that i can't do until about a month from now. this is shit. what am i going to do? i'm really depressed. i can't understand why i can't find that fire i'm looking for.

i've decided to see my friend the psychiatrist again. after all, i still owe her a visit. she hasn't really finished hearing me out, and she really hasn't said anything to me yet. i hope the answer is with her. let it be.

another thing i was thinking of doing was just taking a really long vacation after this sem. i hope ME parin ako by then. wala. take away the stress, as in. dapat mahabang bakasyon talaga. (nico, haha sige ka, baka bisitahin talaga kita sa singapore. ingat ka. and yang isa pa jan, magingat ka rin. baka puntahan kita ng di oras. sana walang mangyaring masama para di matuloy yan hahaha) naman eh. sana kung hindi si doc,eto ang magclearup sa isip ko.

labo eh. may pangarap naman ako. gusto ko magretiro ng maaga, gawin ang mga gusto ko, ibalik sa magulang ko lahat ng nabigay nila sakin, at marami pa. pero hindi ko maintindihan. di tulad ng ibang tao, hindi ko magamit to para mapakilos ako e.

dammit i need answers. fast.

Lord sana tulungan mo din ako. alam kong 99% perspiration dapat, pero pwede ba pa-advance na lang nun 1% inspiration? kahit na yun ka-isa isang hinihingi ko lang sa inyo sa ngayon. yun nalang po. kasi palagay ko, isang susi din yon eh. thanks Lord!

oh well. goodluck nalang sating lahat. sana malampasan natin ang harang na ito. lalo na yung mga bigay-todo ngayon. karapat-dapat kayong makalampas. isang malaking GJ para sa inyo :)

Tuesday, July 18, 2006

1 h473 g0dd4m h4xx0r5

TAE BURAT PARIN AKO SA NAGHACK NG YAHOO ACCOUNT KO DAMMIT. YAHOOGROUP ACCT KO YON E. SHIT SHIT SHIT I HOPE YOU BURN IN HELL

tae naman kasi. nagattempt ako icontact ang yahoo! customer care. e di knlick ko 'contact customer care' sa help ganyan nila. so nagkaform kung san iddescribe ko un problema ko. tapos sabi it will be forwarded to a cust service representative. tas e di puta umasa ako. kasi naman hindi ko martrieve in a normal way un id ko kasi talagang sineryoso ko uyn mga bday shit ko etc kaya naeenter ko pa ulit talaga gaddamit i hate it

e di nagemail nga ako

a puta day after (kanina) dumating reply. may glimmer of hope!

pagbukas ko, a puta eto kagad

"this is an automated reply.."

puta naman!!!!! HEARTFELT UN MESSAGE KO TAE. MAY NAGPPLEASE PA AKO AT NAGPAPASALAMAT DAHIL TUTULUNGAN AKO NG YAHOO! BUT NO

THEY FAILED ME BIG TIME

TAPOS HINDI KO PA MARERECOVER YUN "thecarislost" greatititi

pucha naman

walang kwenta ang mundo dammit

i wanna die now

looking forward to friday after OR test and weekend of rest

HAHA ASA

FINANCE AND STAT FOR YOU

EAT THAT YOU SAD S.O.B.

KALA MO PWEDE KA MAGPAHINGA A

FOOLISH BOY

oh well. nevermind. i created this hell that i currently exist in anyway

Sunday, July 16, 2006

HELLO YAHOOGROUP ACCOUNT PUTA I WILL DIE NOW

SOMEONE HACKED MY YAHOOGROUP ACCOUNT DAMMIT THIS IS SCREWED I DO NOT LIKE IT DAMMIT

TEDEDEN MAY DUMATING NA EMAIL BIGLA SAKIN GALING SA YAHOO

"this is to notify you that your yahoo! password has been changed recently"

PUTA I DID NOT DO ANYTHING

"you do not have to reply. this is for security purposes only"

WTF?! SECURITY PURPOSES?! THEN WHY WAS MY GADDAM PASSWORD CHANGED WITHOUT MY GADDAM KNOWLEDGE PUTA

I CANNOT GET IT BACK BECAUSE TOTOONG SINERYOSO KO YUNG INFO SHEET DUN SA YAHOO! TAS KELANGAN YON PARA MAKUHA YUNG PASSWORD KO. SULET OK BB ACCOUNT SANA HINDI MAWALA LAHAT NG YAHOOGROUP KO KASI PUTA PLEASE NO VENDETTAS AGAINST ME DAMMIT KUNG SINO KA MAN I HATE YOU WHY DID YOU DO THIS TO ME?

TAE NAGAALL CAPS AKO KASI TOTOONG MAGAGANDA LAHAT NG NAKKWENTO KO DITO SA BLOG NA TO LATELY E. good news tlaaga.

Monday, July 10, 2006

i am sad today

talo france!

SAYANG EFFORT NI ZIDANE GADDAMIT!! HE WASTED IT! BUT I REFUSE TO BELIEVE THAT IT WAS INTENTIONAL! NAPOSSESS SIYA NG TORO OK?? I CAN SMELL IT

TAE ITALY DOES NOT DESERVE THE WIN!! PASOK DAPAT UN PK NI TREZEGUET BUT NO, TSAMA IS ON BUFFON'S SIDE

BUFFON = LUCKY DOG

UMAASA SIYA SA CATTENACIO, THE PRIDE OF THE AZZURI


on a lighter side, umasa lahat ng non believers!!!

i told you LADY IN THE WATER was a horror story! BUT NO ALL OF YOU REFUSED TO BELIEVE, LOVE STORY PALA HA

ASA IT IS SCARY SHIT AS I CAN SEE NOW. LET US WATCH PLEASE THE HELL WITH SMEG SEM WE MUST STILL HAVE OUR PLEASURES

Sunday, July 02, 2006

RAW EMOTION

PUTA BRAZIL LOST!!! IT IS 5 AM AND THE FINAL WHISTLE JUST BLEW DAMMIT

I AM SADDENED BY THE MISSED FREE KICK BY RONALDINHO LATE IN THE GAME

WHY DID ZIZOU FIND HIS OLD FORM TODAY AND MAKE HIS FIRST ASSIST EVER TO THIERRY HENRY DAMMIT

NOOO THIS IS A TRAVESTY! ONLY EUROPEAN TEAMS ARE LEFT IN THE WORLD CUP, THIS IS A SETUP

HERE WE GO 2010 THE RIGHTFUL KINGS SHALL COME BACK TO RECLAIM THEIR THRONE

HATS OF TO ZIZOU I HOPE YOU WILL BE THE CHAMPS SO THAT BRAZIL'S FALL WILL NOT BE FOR NOTHING

Tuesday, June 20, 2006

start of classes update

hm. well, nakaquit ako ng regcom. first big thing of the year. kasi naman. nahiya din talaga ako. willing naman ako tumulong, but it is indeed a fact na sobrang hindi ko talaga consistently mammeet yung 6am call time nila, esp kung nagsspan over 2 weeks yun. hindi ko kaya. something i have to address, pero tsaka na.

ewan. kaya din nga ayoko maging employee for long. naturally lazy talaga ako, at for some reason, tanggap ko na yun at ayaw na baguhin. ewan ko ba. i snap. pero mammiss ko regcom at un mga tao. kanina nga sa school, sort of dramatic haha nun mejo nagtatanong lahat ng nakikita kung regcom kung nagquit ba ako. haha mammiss ko sila. masaya siya sobra eh. BOO TO EARLY CALL TIMES. sory na kung masipag ka. pero wag mo ideny, gusto mo rin naman na ganun na lang diba?

i have one of the greatest scheds ever. meron palang ulti janze tth attack na hindi ko kayang talunin, so hindi na BEST yung sakin.

MWF : 1030-1130 OR
6-9 eco115 (W)

TTh : 730-1030 QMT109 and FIN105
3-6 ph101 and hi165

hello long breaks. pero worth it for sir ambeth. promise kung araw araw siya ganun, ok lang sakin ma C or D basta ganun kaenjoy ang class. sobra. thanks lord na hindi ako nakaearly reg. pang aral na rin lang yung long breaks.

haha ginagawa ko ang SB #1 sa finance. but hello, nagmsg bigla sakin si kuya jeff, at biglang sabi niya, hindi naman daw binabasa ng teacher yan (i have learned my lesson about mentioning names dammit). ARGH. takot ako sa GUNZ. i dont want to get hurt.

oh well. nabasa ko na rin eh, tapusin nalang din to.

Sunday, June 04, 2006

enjoying vacation

hmm. 2 out of 3 days pinatay ako ng regcom. nun una kasalanan ko. kase pagod ako kalat, tas naligo ako ng madaling araw ng malamig. tae nagkasakit ako. so hindi ako nakapunta.

number 2. next day mejo ok nako so pumunta ako. pero nun gabi na. umulan. great. HELLO COMMUTE IN RAIN. next thing, basa nako, and then dedo ulet. HELLO SATURDAY

other matters:

haha at last nabalik na yun internet dito. hello payment. pero sulet naman. hello 600kb/s na DL pag gabi. pero pag gabi lang. sa umaga, around 200 ata. i love uncapped internet connections.

ngayon, naisip kong magoffer ng dvd burning services hehehe. kung may tv series kayong maisip at gusto nyo, contact nyo ko, or tag nalang kayo dito :) name it, i'll get it.☻ hahaha 40-50 pesos lang per dvd, depende sa laman :) for now din pala, divx format ko lang muna ibburn sa inyo. so sa pc nyo lang mapapanood. or kung hi-tech na ang dvd players nyo at kaya na ang divx, pwede rin. pero yun nga. ayoko muna mag burn ng dvd video mismo kase baka hindi naman tanggapin ng players nyo at sayang sa pera.

sige. haha bb na muna.

Tuesday, May 30, 2006

yes finally its over

tapos na. yes. as usual. disappointed ulit ako. pero shempre. kasalanan ko din naman eh. pero masaya naman. steady lang.

basta hindi naman ako nahahassle, kahit hell-low grades lang ako. yahoo..

bora na! or tagaytay..... martin?

bukas regcom na. hello REGCOM YEY

whee. burat. wala lang. kuya strikes again.

sorry, rejected pala ako sa jta. pag bobo ka nga naman. sorry hindi ako DL katulad mo. gaddamit.

ok lang sana kung tinago mo lang sa sarili mo eh. binanggit mo pa sa nanay mo, na kinwento sa lola ko, na nalaman ng tatay ko. puta.

hindi naman ako nabuburat sa ganyan eh, pero tae naman kasi. alam kong disappointed un tatay ko na hindi ako nag UP ok? kahit na sabi nya ok lang, halata naman eh. taena. ayoko lang nun disappointed nanaman tatay ko dahil a puta hindi na nga nag up, kalat ka pa.

hello. sorry. bobo nga naman. next time lang, wag mo na sana ako lapitan kung magpapaturo ka. inferior naman ako eh.

yes. please magbeach na tayo hello beach

hello eco paper good luck sating mga tuano. isang hirit na lang Ü

Monday, May 22, 2006

hello bora

haha yun nalang naiisip ko ngayon. grabe. nakakatawa naman kase. ang saya isipin eh. CHICKS! hahaha deh. masaya lang magpahinga. pero bonus narin makakita ng hot girls, pero ok lang, marami naman nun sa t1 at sa ADMU eh =P

nakakatawa. nakakapagod mag aral. haha pero grabe. ansaya ko sa math score ko. wala lang. kahit na hindi siya "stellar" basta nakapasa ako :) pwede na.

pero may dagger sa bora dreams ko (haha hindi tuloy tuloy yun train of thought), parang isip ako ng isip. tas naglogin ako sa mail and then:

Hello everyone! Here's our sched this first sem:
 
May 31-June 3 & June 5: Preparation Days
June 6: RFGD
June 7: Sophomores' Reg
June 8: Seniors' Reg
June 9: Juniors' Reg
June 10: Grad
June 13: Freshmen RFGD
June 16: Freshmen Reg
June 17: Grad
 
See you soon!
 
- Mark Velasquez

HELLO schedule. tae naman o. PLEASE GUSTO KO MAGRELAX GADDAMIT. TAE KAYO FRESHMEN. ORSEM ORSEM PA KASI.

sana sumabay nalang kayo sa normal reg. pota.

anyway. may irrecommend lang ako sa inyong mga firefox users haha. lalo na para sa mga tamad tulad ko. download nyo tong mga extensions na to sa mozilla.com:

-tab mix plus
-performancing (para sa mga nagbblog)
-video downloader (kung mahilig kayo mag youtube, etc)

un tab mix plus, parang pang improve ng tab feature ng firefox. tas lalo na kung magcrash un window nyo, sulet siya. kase may backup/recovery feature siya para hindi naman zero yun mga binbrowse nyo if ever.

yun performancing, parang pangedit ng blog within firefox. parang pane lang siya na lumalabas, para hindi na kayo nagllogin sa respective blog sites nyo. click nyo lang un icon dun sa baba ng browser at lalabas un panel na pwede kayong magpost kagad. lalo na kung may makita kayong interesting at trip nyo ishare :) compatible siya with most blog sites, blogger, lj, hahaha di pwede geocities (sorry juno, pero masipag ka naman mag edit edit eh).

yun videodownloader. wow, self-explanatory. basta pwede mo na idownload yung mga embedded video/audio/flash/porno sa mga website hahaha

yun lang. haha

GO SPURS

This page is powered by Blogger. Isn't yours?