Thursday, November 02, 2006
hello all souls day
hmm. all saints day kanina. 12 na eh. eto na yung naging pinaka-aktibong araw ng bakasyon ko. hello masaya maging aktibo omg i do not like sitting around watching tv series all day because my legs lose sensation gg ako maglakad kanina
anyway, for this year, sa tatay ko ako sumama sa pagbisita sa sementeryo. ang hassle ng magkahiwalay yung magulang mo. snap ako eh. parang sa lahat nlang ng mga holidays kelangan mo pumili ng isang sasamahan tas surebol magtatampo un isa. shit gg ok?
so sumama nga ako sa tatay ko. as usual, kami ay dumalaw sa kanyang lolo at lola (dahil nandito pa ang lolo at lola ko! yey! at 50th wedding anniv nila sa december! yehey ulet!) sa north cemetery.
siside story muna ako. wala lang. minsan naiisip ko na mas gusto ko sumama sa tatay ko dahil lang sa mga experience ko dun. wala. kasi parang yung tatay ko, hindi nya kinakalimutan yung fact na hindi sila maykaya nung bata pa siya. parang naging values nya ang pagiging masipag at praktikal. lumaki siya sa tondo, tas nagtrabaho para sa lola ko sa divisoria habang nagaaral, at lahat pa ng mga experiences sa buhay nya. ang point ko lang dito ay sinusubukan na lagi na padaanin din kami sa ganung bagay tuwing may pagkakataon. so mula pa nung bata ako, pinapadala ako ng tatay ko sa divisoria kung saan tagabuhat ako ng tela para sa lola ko, o kaya naman nagiging tindero din ako para sa kanila. matapos ng araw na to, uuwi ako sa tondo, tas dun makikipaglaro ako sa mga bata na laking tondo na sabihin nalang natin na iba sa mga makakalaro mo kung ika'y nakatira sa ayala heights. dito ang laro ay hindi nintendo kundi patintero, tas madugo ang sapakan, tas hindi ka rin naman titigila sa panggago. kasama na ako dito. ako yung naging "baboy" sa lugar na yon hahahaha
so ano nga ba ang koneksyon nito sa north cemetery? hahaha mejo wala, pero isasama ko narin to sa mga experiences na tinutukoy ko. kasi naman, hindi to katulad ng pagbisita rin sa mga eternal gardens kung saan sibilisado ang mga tao at masisigurado mong mapayapa ang magiging pagbisita mo sa iyong yumaong mga kapamilya.
pagpasok palang sa gate ay makikita mo na ang tila high-rise condominium na bagong nauuso na para sa mga patay. tulad ng mga nagsisisulputang condominium dito para sa mga nabubuhay, nauuso narin ang building para sa mga yumaong kaibigan para naman makatipid sa espasyo. wala tayong magagawa, dumadami ang patay at unti-unting tumataas ang tubig sa mundo na dahilan kung bakit nauubos ang nalalabing lupa para sa atin. kaya lang, nasisira ang pagiging mataimtim ng iyong pagbibigay respeto sa yumao, dahil hindi ka man lamang makapagtirik ng kandila o makapaglagay ng bulaklak para sa iyong dinadalaw dahil siya ay nasa panglimang row siya ng kung ano mang lebel ng gusaling iyon at syempre nakikihati ka pa ng lugar dun sa 4 pang ka-column mo. kaya masasabi nating prime spot ang first row para dito.
ang nakakatawa pa dito, ay habang nagaagawan sa espasyo ang mga taong (o bangkay) na ito, ay sa tabi mismo nila ay makikita mo ang malalawak na lugar na nakatabi para sa mga sikat na pulitiko o mayayamang pamilya sa pilipinas. ang espasyo na pinagkasyahan ng isang "condominium" na naglalaman ng sabihin nating mga 800 na katawan (hindi ko binilang ng eksakto kung ilan ang nakalagay sa isang gusali, pero hindi malayo ang numerong ito doon) ay mas maliit pa sa espasyo na nakatabi para kay sergio osmena na marami nga sa atin ngayon ay kilala lang siya dahil siya ay ang mukha na nasa 20 pesos na ating mahal. tae naman patay ka na nga, hindi ba pwedeng para sa sarili mo nalang yung lugar na kunin mo? mga pulitiko talaga, kahit sa kabilang buhay, inaagawan parin ang mga pilipino. yan tuloy, nagmukha siyang hindi minamahal. mayroon lang atang mga bulaklak doon na galing kay pangulong GMA, tas un lang. wala man lang bisita. haay.
meron naman, ginawa nang mansyon ang libingan. makikita mo sa loob ng mausoleo, may kama, aircon, dining table, sala set, tv.
anak ng tinapa. mayaman sila. palagay ko naman ay hindi nila pipiliing tumira sa loob ng sementeryo. bakit kailangan pa ng ganoon? wtf?! samantalang kanina nga ay pabiro pang nagaagawan ng lugar na paglilibigan ang mga lolo at lola ko, pati narin ang mga tito ko. nakisali na nga rin ako at nagpareserve na ng isang lugar doon. may lugar nalang malamang para sa 3 pa don, at ilan pa sila? ayayay
masya din naman magubos ng oras don. maliban sa kwentuhan, masaya din magobserba ng mga taong nakikita mo doon. ang mga tito at tatay ko nagrereklamo, sa tinagal tagal nilang bumisita sa sementeryong iyon, ni isang beses wala pa daw silang nakitang hachik na pumunta don. hahaha. hindi nagtagal ay may dumaang tropa ng bading na maingay na nangangantsaw sa bawat lalaking makita nila. nak ng tinapa. buti sana kung pwede sila eh, at least matitiis mong tignan. e pucha mas gusto ko pang tumingin sa ipis eh.
ano pa bang mga napagusapan? inaalala nila kung anong nangyari nung mamatay ang mga lolo't lola nila. tuwing makakasama ko sila, laging napupunta dun ang usapan. at ni-isang beses hindi pa sila nagkakasundo sa nangyari. laging "hinde galing tayo sa date non diba?" "ano, kasama ko si daddy non, bumisita kami eh"
ano pa ba. wala naman akong masabi eh. nangsshit lang talaga ako ng north cemetery. halata ba? snap ako sa mga mayayamang bumili ng malaking lupa eh. gets ko, may pera sila eh. pero tae naman, bangkay mo lang naman un ilalagay dun eh. maagnas ka din naman, tas after 50 years buti kung may bumisita pa sayo. tae.
tapos nung gabi pala, ipinagmaneho ko ang tatay ko at ang pamilya nya para kumain ng hapunan at maggrocery.
kumain kami sa may puregold sa tapat ng duty free. yun na ata ang pinakamalapit na narating ko sa airport buong sembreak, na dapat sana ay nasa hong kong na ako ngyon at pauwi na ako ngayong gabi. snap din ako dun
so yun nalang muna. marami pa akong maittype ata bigla, pero sa susunod nalang :)
sana nagenjoy din kayo sa mahal na araw nyo.
at pahuling paalala mula kay mayor atienza
"Paalala lang po, ang mga mandurukot ay nagpupunta rin ng sementeryo tuwing todos los santos."