Friday, October 06, 2006

hoo! day

dapat un update ko ngayon literal na update eh.. tipong ung events buong week

pero dahil boring un week ko, at naging unexpectedly interesting ang day na to, itong HOO! day ko nalang ang ibabalita ko ngayon

first up. stat. wala. as usual. gaming hour. wala. eh hindi ko rin naman magets un spss shit. sinubukan ko naman nun simula eh. nagparticipate pa nga ako. pero wala talaga.

finance. battle against sleep. nahiya ako eh. patapos na ang sem. oh! i hit the magic number sa test! 69!!! yesser! 64 na ang average ko, enough para maka auto c+ or b na yeahba!

break. wala. kunyari aral ng philo pero wala, nagfreecell din lang ako shitty ASA pa kasi un philo eh. i hate my speed. 15 mins/paragraph amppp PARANG MICHAEL SCHUMACHER SOOO FAST

philo class. hahaha battle against sleep ulet. patapos na nga ang sem. save face nalang, ma-F narin naman ako eh

histo class, interesting lecture. lagi naman eh. dakilang bayani pala si luna. may latigo si gago. hahahaha nice one. oh, binalik yung long test.

sila martin, 95, 85, 90. mga shitty high scores

ako? hmmmm what grade did i get kaya? hmm im so konyo na ser

28! omg record breaking!!! ako na ang champion ng core subjects

28 over 100 shit on me now yesser i am the best champion historian ever


6pm. histo test. 4 hours of hell.

alam kong aabot ako ng 10pm. nagvolunteer na nga ako na magstay hanggang 10, ako un magssubmit ng papers sa dela costa (wala kasing nagbabantay samin pag test). sobrang cool mode lang kami. un iba nagllaptop, nagddiscuss ng sagot, un isa napadalas ang yosi break. meron din naman nag serious gaming

ako? hmm. first 30 mins, basa ng extra readings. next 30 mins, isip ng issulat. 7pm na. inantok ako. next 30 mins, tulog. paggising ko, may nasulat ako konti. 2 paragraphs. by then, un iba mga nakaka 2 or 3 pages na.

tas mejo nafeel ko na yung gaming mode. umarangkada ako hanggang mga 1.5 pages. tas kalat mode ulet. tipong nagaattempt ako mag wifi para magtanong sa ym. tae walang signal sa f117.

tas mga 8 tumawag tatay ko. nagulat ako. mejo panic siya.


sabi nya, pwede daw ba magcommute ako. may problema daw

sabi ko, umuulan eh, ok lang sakin antayin ko kayo. ano ba nangyari?

uhh, tas nasa presinto daw pala siya. nakulong un driver namin. binugbog pa ata ng pulis

tas shempre mejo nagulat ako. tae as in naiimagine ko un sa mga sine na torture


so anyway sabi ng tatay ko pagsundo nalang nya chaka siya magkkwento


ntapos din ako sa philo. 2 pages of intermediate pad

un iba mga 7 pages, 4 or 3

ako 2! pad pa, sila naka print, or yellow pad


champion ako sa palagay ko. again. I'M MR CORE SUBJECT. I RULE THE SUBJECTS THAT ARE TRULY NECESSARY TO SUCCEED IN MY INTENDED PROFESSION


so anyway, nagkita na kami ng tatay ko. dinner sa mcdo. tas nagkwento siya.

turns out. parang nagsimula sa isang misunderstanding ung buong thing. intersection. may nagcut sa driver ko. tas magppark un kotse na nagcut. pero nakaharang un mobile ng pulis. so sinenyasan ng driver ko na umurong. umurong naman un pulis. pero sinundan un driver ko. eto naman si gago, makulet. binblockout nya un mobile. eventually, umabot sila sa opisina ng tatay ko. dun na nagkababaan.

nagusap sila. misunderstanding lang pala. kala kasi nun pulis minura at pinakyu siya ni dear driver. pero hindi naman ata. so nagkaayusan. paalis na sana un pulis. e etong si dearest friendly driver, nag-angas. nasa teritoryo eh. siga ng lugar kasi, tas madami atang nanonood. ayaw patalo. so nun pasakay na ng kotse, biglang nagbago isip. tumalikod, pinagmumura yun pulis, tas hinamon ng suntukan.

ayan, gago. naburat un pulis. hinuli. dinala sa presinto, pinosasan. tas ayaw parin umawat. salita parin ng salita. ayan, binanatan na. hinampas ng baril sa balikat. tas mukhang binugbog pa.

bakit ko pinagtatawanan? e kasi matigas din ulo ng driver ko eh. pinuntahan na ng tatay ko sa presinto. e mabait naman daw un mga pulis. magalang pa nga. talang burat lang un namurang pulis kasi siyempre sobrang nabastos daw siya. tas ayaw parin ngang tigilan kahit nasa presinto na. nun dumating pa un tatay ko dun, parang ginanahan ulet tas dumaldal nanaman. kyot amf.

ayan tuloy. kinasuhan ng pulis. GG mahassle pa ata ako bukas, ako ata magaasikaso sa kanya tae.

tae naman eh. sobrang parang kasama na nga sa pamilya un driver ko eh, kaya nga nun nde ko pa alam un kwento, sobrang naburat ako dun sa pulis. as in. tas wala. e kupal talaga driver ko minsan eh. tas parang nageenjoy pa dun sa presinto amf. pero shempre nde naman namin pababayaan yon eh, kahit na nappredict ko na na babalikan nya yung pulis na yon pag nakalabas na siya. sureball yan.


anyway, natapos yon. bigla nagvolunteer ng kwento ang tatay ko. may time din daw na siya muntik din hulihin ng pulis at ipabugbog. mejo ayaw ko na ikwento kasi wla, parang may ibang mga bagay na hinde ko lang gusto marinig mula sa isang magulang (clue: sexual ito)


tapos nun, sumunod kami sa kapatid ko sa kanyang retreat sa la salle. dahil mga 11pm na, bumisita lang kami. dinalhan namin ng chichiria at drinks. at least nageenjoy siya sa lasalle. natutuwa ako para sa kanya. hahaha. good job boy.

nameet ko dun ulet ang grade 6 adviser ko. si mrs. odronia. shems. naalala nya pa ko. well, at least kahit konti lang. wala lang. ang sarap lang nung feeling na babalik ka sa isang lugar na matagal mo na nde napupuntahan, tas kilala ka parin nung mga tao. ang saya eh. kahit hindi ako special, dahil naalala nila ako, parang ganun na din un feeling hahaha :)



anyway. magbabakasyon na.

gusto ko na magpunta sa lugar ni jackie chan. may tao akong gusto ko na makita :) hihihi

yesser. malapit na! kahit nagkakalat ako sa philo + histo game lang GG na

YEAHOOOOOOOOOOOOOO

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?