Tuesday, August 01, 2006

going away

wala lang. parang nakachamba ako. dalawang blog lang tinignan ko (kay jeric at iya)[sorry, next time na ulet, sinusubukan ko magseryoso for finance. mejo mas marami nakong nabasa tonight kesa sa first two months ng sem]

break lang sandali. mejo nahihilo nako. well, so much for 'bengga-ing' all the time. narealize ko na na hindi ko talaga pwedeng iwanan nga yung crammer personality ko. parang sobrang nagiging super productive ko pag ayan na yung deadline. pero indi ibig sabihin non na natatapos ko lahat. swerte lang ako, kasi parang kung ano un nagagawa ko lagi, mejo sakto lang para malampasan ko yun test/kung ano man na iyon. alam ko naman na pag may trabaho nako, mejo mazzero ako dahil dito, pero bahala na. pag nandun na lang, tsaka na ayusin.

anyway, kaya naman nagiimbento ng mga bagay ang mga tao kasi mashado silang tamad para sundin yung paraan na mayroon na para gawin ang isang bagay. kung masipag lahat ng tao, bat pa magiimbento ng kotse? bat pa magiimbento ng playstation? kung masipag nga un mga tao, imbis na inimbento nila ang basketball at iba pang mga sports, nagtrabaho nalang sana sila. hindi naman ata masaya yon.

anyway, parehong about mga taong aalis ang mga recent posts nila. wala lang. ang sad lang kasi.

yun mga pinsan ko nga na ka-close ko, lahat wala na dito (buti nalang babalik kayo this christmas. ituloy nyo yan please). may mga kaibigan na rin akong nawala.

tas hindi nman natatapos eh. ang lungkot lang talaga nung alam mong maghihiwalay kayo ng isang taong sobrang malapit sayo. kahit pa babalik naman siya, wala. mahirap parin. mabigat sa loob. hindi ka sanay na wala yung tao na yon sa mundo mo. ayun. malungkot talaga.

etong buwan na to, mejo maraming aalis. mamaya, si nico. oy, magiingat ka ah :) sana magenjoy ka sa singapore. wag ka ring mataranta pag bigla akong kumatok sa lugar nyo hehe :p mamatay ako pag may nangyaring masama sayo. naku :(

tapos si alven sa wednesday. pare, sobrang ok nun bakasyon mo dito. naenjoy ko, kahit ndi na tayo mashado nagkasama recently. nun bakasyon, sobrang enjoy. salamat sa lahat, isa ka sa mga kasama ko nitong summer na to :) balik ka ulet sa pasko or sa may :) magiingat ka lagi, at sana sulet buhay mo dun :D wag mo kami kakalimutan ha. tae ikaw ang 15 shot buddy ko :) un molson namin next time ha? :D

si chay in two weeks, paalis na din. great. pano yun? wala na kaming cook? pano na kami kakain ng pasta? pano na pag gutom kami at nasa parañaque area kami? malungkot na :(

pero seryoso, mamimiss kita. wala nang makulit na babae na bayolente na mahilig magyosi. isa lang yun sa t1. at yun na nga, wala rin kaming chef. wala narin kaming suporta galing sa militar, mawawalan na kami ng backup. :( sana magingat ka dun ah (iwasan ang mga bagay na dapat iwasan, gets mo naman ata e ;p) at sana uwian mo kami ng hot blonde women

si rina at karen din, paalis na, pero at least mejo late na ng onti. at least kayo abot ng tiger airlines haha. ifund nyo un trip ng t1 para mabisita namin kayo, game naman kayo blockmates diba? :)

sana magenjoy kayo sa pupuntahan nyo (korea at hong kong), at wag kalimutan ang mga pasalubong (jeon ji-hyun and siomai, pwede ring pating galing sa ocean park, or si mickey mouse).

mamimiss namin kayo dito. bibilis na ang conversations sa t1, mawawalan na ng slow, intimate moments. ang sad naman. tapos magiging all-tagalog narin ang usapan namin. nakakamiss naman ang slow english conversation :(

wala na ring girls na maiiwan sa t1. pam, magreklamo ka na. lagi ka na nga nassausage party nila aeus at martin. nako, tas ngayon wala pa silang dalawa? pagbalik nila, lalaki ka na haha :) or pwede ring lumilipad ka na :D


sa lahat ng aalis, magdasal kayo before umalis please? para naman walang mangyari sa mga flights nyo :) at wala. magenjoy nalang kayo dun para sakin, para naman mapahinga ako :)

kaya pag may bago kayong kaibigan jan, or nasa mall kayo, or nasa isang theme park kayo, lagi nyo kaming alalahanin ah. smeg sem. nageenjoy din kami.

parang sabi nga ng mga anak ni din eh: "wemishu", palagay ko naman pag sinabi kong mamimiss kayo ng t1, walang kokontra e. diba? :D

oh well. gudnyt nalang. at magingat kayong lahat :D

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?