Monday, April 03, 2006

halfway haven.. again

hindi pala nagaadjust yung time ng post kapag tinapos mo na yun draft.. so yung "bago" kong post, napunta sa march 29.. wel, yun yung lazy attempt ko na gumawa ng letters para sa lahat ng tao na nakasama ko over the past 2 years, well, hindi ko pa natatapos yon.. so kinut ko nalang yun dinagdag ko ngayon, tas ilalagay ko dito.



well, its already april 3, and the t1 batangas trip is over.. it was the greatest 3 days of my year so far.. its just too sad that many of us was not able to come.. ok, english stops here.

janze, aki, martin, cons, karlvin, manny, charlon, alven, ian, karl s., jap, nico, shar, jp, chay, chrissy, at ma, sana andun kayo.. sobrang saya pa siguro lalo kung andun kayo :) tho wala na talaga akong tutulugan kung ganun. so, ok na rin na hindi kayo pumunta :p haha biro lang :)

well, hindi ko pa mauupload un pictures from that.. so dun na lang muna kayo sa multiply ng iba :p haha mas ok naman ata yun mga shots mula sa kanila..

sobrang astig nung mga memories dun.. yun trip papunta, grocery, yun pagluluto sa kitchen, paghugas ng pinggan, yung soccer game (mvp with 7 goals! and also shattered dreams :p), sneak alcohol attack, yung pagbobonding sa grass, yung mga kasama kong natulog sa labas ng bahay, yung mga kagat ng lamok, yung kumot na pilit na pinaghahatian ng tatlong tao, yung masasarap na meals, yun boatride papunta sa beach, yun swimming at maalat na tubig, pagakyat sa tuktok nung island, haha yung mga c. intentions, yung toe cramp ko, yung mga sugat na natamo, yung goal! (at si santiago munez), yung sunod-sunod na pagkatalo ko sa word factory, yun mga naghubad sa pusoy, lahat ng mga kantang kinanta, lahat ng kwento (at backstab :p), yung paglalakad sa gabi, yung aso na muntik nang kumain sating lahat, yung maikling bonding nun boys nun gabi, yung colgate na pilit ginamit sa bahay na pagmamay-ari ng unilever, at lahat nung mga bagay na nahuli sa camera.. :)

salamat sa lahat ng pumunta.. nabuo sobra yun bakasyon ko :) da best kayo! sana may mga next time pa.. salamat din kay ren at sa family niya, na nagprovide ng bahay, transpo, at marami pang iba.. salamat din sa naging "host" ng outing na si kuya marcus (salamat narin sa panggagago Ü), at sa driver nila na si kuya nato dahil siya yung naging kausap ng driver ko para hindi siya mabato doon. salamat sa parents, sa sister niya, at kay aly (haha kalaro ko to) para sa lahat, lalo na sa pagbabantay samin :) thanks din sobra kay Lord kase kahit may mga sugat kami at lahat, wala namang seryosong nasaktan (kahit na mukhang di na kame magkakaanak ni chav :p)


and also, birthday ng mom ko kanina.. technically, kahapon pa.. wala lang.. paguwi ko, hindi parin pala ako makakapahinga dahil marami pang ihahanda para sa mga bisita.. akala ko magbbeach sila, un pala magkakainan sa bahay.. so ayun.. naghanda ng stuff.. hassle onti, pero ok lang, kasi masaya si mommy kanina.. kaya sulet na rin :)

happy birthday sa inay ko :) i lab yu mommy Ü

---------------------------------

230am na. gusto ko ituloy yung "letters to people" pero hindi ko magawa.. huhuhu.. naman o.. may naiisip ba kayong mas magandang way para gawin to? haha tamad talaga grabe..

tomorrow is another day, sana ganahan ako please.. mejo gusto ko rin talaga gawin yon eh :) pero kasi ayoko simulan ng hindi ko matatapos lahat.. huhuhu..

sige, next time ulet :)

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?