Sunday, April 30, 2006

diplomat

hmm. ngayon lang uli ako nakaupdate. mejo marami akong kwento pero hindi ko na maalala lahat.

basta enjoy yung regcom. tho sana dun ako sa "frontline" kung san andun yun mga taong nabuburat na at nangaaway. parang ang saya nun eh.

tas ok din naman un first 2 weeks of classes. masaya ang eco112 with macroeconomic principles like GDP, consumption, investment, at iba pa.haha sana gets nyo un joke. ang hassle pa nung weekly tasks (parang pinoy big brother a) niya.

yung math, seryosong ok siya. ang saya kasi ni sir bataller pag nagtuturo. gay siya (both meanings apply) pag nagtuturo. ginaganahan talaga ako makinig sa kanya. perky. naeenjoy ko na ulit ang math after that hell sem with sir melton. boohoo

kahapon naman, sobrang "meet new friends day" para sakin hahaha. nagsimula nung pumunta ako sa debut ng pinsan ko. nakakatawa pa kasi mejo late nasabi sakin tas mejo panic mode ako sa regalo at damit. pagdating ko dun, ako lang pala un imbitado sa pamilya namin, at least un within 1st or 2nd degree sakin. as in wala akong kakilala. mostly childhood friends, classmates at onting pinsan niya. grabe. buti nalang totoo talagang maliit ang mundo. may pisay dun na lower batch, so nakausap ko siya. mejo ok din yun mga kapatid nya so solb na ako sa mga kausap. tas mejo inikot pa ako nun tita ko at pinakilala sa ibang guests, tas meron dun na incoming ME freshman. hehehe. masarap takutin.

tas after nun, inaya ko si
carina mag-ice cream sa nestle creamery. so dinaanan ko siya sa bahay ng friend niya kung san may party sila. pagdating ko dun, yahoo! pinapasok ako sa loob ng bahay, though wala naman akong mashadong nakausap kasi nag eat and run lang ako. pero seryosong masarap un luto ng friend ni rina. sulet! turns out sarado un creamery. so hinatid ko nalang pauwi siya pauwi.

after nun, tinamad parin ako umuwi. ewan ko ba. masikip kasi sa bahay ng tatay ko. maraming tao. so pumunta akong greenbelt para magkape (yep, malayo pa talaga. pero sa parañaque naman tatay ko eh). so ayun. nakaupo ako dun. tas may couple na lumapit at nakiupo sa table ko hahaha. pag lonely ka nga naman. naawa ata sila sakin. anyway, etong couple pala na to tipong 3 days pa lang din sila magkakilala. swedish guy un isa, tourist. tas un girl koreana na taga dito sa pinas. si
tom at si sophia. mga 2am na 'to. kakagaling lang nila sa bar. so mejo nakapagkwentuhan pa kami. tas may love story pa sila hahaha. kase aalis na yung guy sa umaga (kaninang umaga). tas ewan. parang trip nya yung babae tas wala. nakakaaliw. may nafeel daw siyang "connection" nun nagkita sila na minsan lang nangyayari. kaya ayun. mga 4am na tas nag-aya silang uminom. tag-along lang ako. naging driver pa talaga. pero ok lang. kase free food and drinks naman. haha mejo mahal din ata yon. mga 630 pinagsarhan ulet kami ng place. tas dinaan ko sila sa tinutuluyan nila. at least magkalapit lang. mejo madrama pa talaga. babayaran pa dapat ako nung guy ng 500 haha pero nahiya nako kase libre na yun meal ko. haha tas ewan. yung girl naman sabi niya libre nya ko ulet. sulet! free food. sana makuha ko yung pics namin. tae naman kasi fone ko eh. may pc connector talaga.

tas may isa pang important thing na nasabi yun guy. haha parang nagagalit siya sakin kasi hindi daw ako marunong magalit or something. tas parang sabi niya, dapat matuto daw akong gawin yung mga bagay na gusto ko talaga, un tipong hindi ko na pagiisipan ung mangyayari sakin, dapat lang daw hindi siya makakasama sa iba.

good lesson. tae pang atak. tipong kanina may urge ako na dumaan sa bahay ni _ at sabihin sa kanya hahaha. pero ngayon, wala nanaman akong morale. haha wala na ulit. tas tinanong pa yon sakin ni rina kahapon. kung itutuloy ko daw ba un plan ko. e hindi ko nga alam kung ano gagawin ko eh. marunong talaga ako sa ganung bagay. dammit.

well. bahala na. at guys, aral tayong mabuti! Ü


Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?