Tuesday, January 10, 2006

wow.. first

2006 na! yeheeey!

pero hindi rin talaga yehey. kase andami pa ring gagawin. ngayong nagbalik pasok na, aarangkada na ang marketing para sa AUDC, at mamamatay ako dahil dito. Lord, konting tulong.. tas meron ding COMELEC, pero at least hindi siya ganun katagal.. sori rin imman kung hindi ako mashadong nakakatulong. ang laki kong beach.

tas shempre, may schoolwork pa. buti hindi pa bumebengga ang history. pero struggle ako sa acc LT (iya, please wag mo ako gaguhin na haha. seryoso to Ü). tas mejo nagkakalat pa ako sa Ma122, nagsisimula pa lang makaintindi. pero tama na ang acads..

sa mga nag at mag b-birthday:

hans : december 23
Jesus : december 25
abelly : january 2
chay : january 8
iza : january 14
chav : january 16
charlie : january 17

isang maligayang kaarawan sa inyo! Ü (sana tama lahat 'to)

tungkol sa buhay ko?

bigla akong nagkaroon ng kaunting pag-asa. hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung paano. basta nagising nalang ako isang araw tas naisip ko na may pag-asa ako. anlabo, pero naniniwala ako.

anlabo rin ng panaginip ko. napaginipan ko na may bagong sapatos si tony parker. (papi alven, masaya ka na siguroÜ) pero anlabo, kase sureball hindi yun yung itsura nung sapatos nya, tas wala, sinabi ko lang na maganda siya, tas hindi ko rin binili. tas wala na akong maalala.

malabo ata ang mundo ko lately. puro mga secret signals.. why?

nakakasabay na ulit ako kela abelly. masaya nanaman. pero feeling ko mapuputol uli ito. kase naman andaming ginagawa. long tests, orgs, at kung ano pa na magkapagdudulot sa pag uwi ko ng gabi. tsk

ipagdasal nyo rin nga pala si abellar. injured siya ngayon. hindi ko nalang ikkwento kung paano. baka hindi nyo na siya ipagdasal.

salamat na lang at wala akong nahaharap na problema sa buhay na nakakapagdulot sakin na umiyak (maliban sa pagkatalo sa IAC) at mawalan ng gana sa pangaraw-araw na gawain.

gusto kong magkwento tungkol sa mga nangyari sakin, pero nakalimutan ko na lahat.

eto na lang, haha ayoko na tumakbo para sa MEA. haha, ayoko lang tumakbo ng me kalaban eh. mahirap na. may the Chong machine pa naman sila. tsaka mas qualified naman ata si drea sakin e. hihi. mas may room for work siya kesa sakin. hindi ko na kayang mabawasan pa ng qpi points haha, siya kaya pa atang mamigay. grr. crab amf :P

haha kakain nalang ako. marami pa palang choco flakes dito. hehehe, hoarder kame. Ü

goodluck sating lahat! :)

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?