Monday, January 16, 2006

and i.. feel like a newborn.. asaa

grabe.. sa mga nangyayari, asa pang makaramdam ako ng ganyan.. andaming ginagawa.. parang blessing in disguise pa na may tumakbo sa pwesto ko..

nag long test kami sa finex kanina. uh asaa ako sa test na yon. zeero amf. dun nga sa last test 285/380+ ako. shit.

sumuko nalang kaya ako? makakpagJTA pako. ewan ko ba. parang nung simula ang lakas ko mangarap na makakarating ako sa dulo. tas pinapangarap ko yung mga prize na makukuha don. haha sana magka-second wind ako. kung hindi lang talaga maraming ibang inaasikaso.

tulad ngayon, nagffax ako muli ng mga marketing packages. grabe. 11 ng gabi. sana tulog nako.

oh well, kasama yan sa trabaho eh. sana lang maganda yung kalabasan. di tulad nung sa siklab. patalo ako shit.

na-LSS ako ngayon. Filter - Take a Picture. luma na, pero astig eh. ewan ko ba.

tas napabili ako ng love.angel.music.baby ni gwen. pwede naman download, pero susuportahan ko siya for once. sulet naman kase album nya eh, para maencourage din siya na gumawa pa ng album. haha parang macoconvince siya dahil bumili ako. pero sulet naman eh. aliw lang pakinggan yung luxurious.

haha ayan, nagmmusic ako lately, kase yun yung companion ko sa PC habang nagttrabaho. haay. ang saya. hehehe.

goodluck sa ating lahat.. sana makayanan natin to, hanggang grad! sana walang sumuko..

oo nga pala. suportahan si Iya! iboto bilang sec-gen ng MEA. Ü

--------------------

nadagdagan.

tas wala lang.. matapos kong dumaan sa mga blog ng ibang tao, at habang nagmmuni-muni na rin ako.. wala lang.. andami nang nabubuo ang personal love story.

meron pa rin namang tulad ko na sawi, pero unti unti na silang nababawasan.

bakit nga ba importante ang ganun? ewan ko ba.. inspiration na rin siguro sa buhay yon.. depende na lang kung pano mo gagamitin.. parang si jeric, nautilize nya yung relationship nya para maging mas masipag sa pagaaral. para may oras siya.. or ako, kase tumatambay ako sa lib tuwing mwf.. at least nakakaaral din ako kahit papaano. o si janze, dahil nagawa niyang manood ng narnia (requirement yon), dahil umaatak siya. o kaya naman si chay, na halata namang mas masaya ng di hamak pag kasama niya (bawal nang kumontra, nakita na naminÜ).

grabe.. parang nagiging malaking issue sa buhay ko yung relationship.. kahapon lang napanigipan ko na inaatak ko yung sister ni martin. pero totoong may kapatid siyang babae. at totoong iaatak ko siya habang si martin yung nagddrive ng sasakyan (sori, naging driver kita, sa panaginip lang naman hehe). grabe, ang sama ng gising ko non. sobrang shit kala ko magaaway na kame ni martin. sobrang parang totoo yung panaginip ko eh.

lord sana naman may mangyaring maganda sakinÜ bigyan nyo man lang ako ng sign kung dapat bang umasa pa ako o hindi.

haha kaya ko namang mabuhay ng magisa. magppc at playstation nalang ako buong buhay ko. hindi na ko tatanda. zeero na ang maturity ko. sasamahan ko nalang si abellar sa new zealand.

kaya lang tuwing nakikita ko siya, malamang nawawala yung idea na kaya kong mabuhay ng magisa. kase nman eh. parang ayun na yung definition ng perfect para sakin. nandun na. naman eh.

may motto kami nung high school: "love sucks". meron ding "lonely boys club". dumaan ata ako sa mode na yan nung tumigil na kong umasa na may mangyayari pa sakin at dun sa crush ko nung hiskul. asaa eh. bata pa ko nyan. sabit pa lang sa puberty. ganyan din lang kaya yung reaksyon ko pag tuluyan na kong sumuko? mag-snap kaya ako? shems. sana naman hinde. kaya lang sureball sobrang sakit talaga.


bakit ba ko nageemote? wala lang. narealize ko lang bigla na ang haba na nito. sana pag nagsusulat din ako ng mga papers, lalo na sa history long test, ganyan din kabilis diba?

meron pa rin siguro akong masasabi, pero tsaka na.. baka mag-snap narin kayo sa pagbabasa nito at dahil ambabaw din naman kase. heheh.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?