Friday, November 25, 2005

the one goal

haay.. sad day.. tangna naman kase eh.. talo ang team work.. pero wala rin akong right magreklamo.. dahil isa din ako sa mga dahilan kung bat kame natalo.. at eto ang parusa ko.. hinde ako makatulog ngayon.. lahat ng dahilan may kinalaman sa basketbol. una, iniisip ko kung ano ba yung sana nagawa ko para sa team. oo, huli na para magisip ng ganyan, kase tapos na, pero ayon nga sa kasabihan, sa huli ang pagsisisi (malamang).. pangalawa, hindi ko na maantay ang susunod naming laro sa pisay..

gusto ko patunayan na may kwenta akong manlalaro ng basketbol (balik tagalog nako). kase naman eh. may nagagawa akong matino, pero hindi ko nagagawa to pag totoong kelangan na. kase siguro, pag seryoso na, ginagalingan na rin ng kalaban, at don talaga lumalabas kung gano ako kagaling. pero ayoko isipin yon.. mas ok kung mapapakita ko na kaya ko rin maging magaling kahit na sa mga panahong seryoso..

kaya eto ngayon ang playoffs ng iac divC. second place kame ngayon.. pinaghirapan namin to.. ayoko na mawala pa. andito na kami, eto na ang panahon. gusto ko manalo. hindi ako nagaangas, pero eto na yung extra motive na kelangan ko eh.

pano kase, lahat ng posible naming makalaban patungo sa championship, lahat me gusto nang patunayan laban samin. kung baga, may extra motive na sila maliban sa makarating sa finals. gusto rin nilang patunayan na nakatsamba lang kami, at pupulbusin na nila kami sa susunod na laban.

ang isa, sabi nila tsumamba lang daw kame, at hindi raw kase sila handa. malakas daw kasi sila magyosi kaya bano sila nun. puta, kasalanan ba namin na nagyoyosi kayo. pero sige, kung makalaban man namin kayo, pakita nyo lang kung gano talaga kayo kalakas.

yung isa, hindi ko alam kung anong mangyayari.. pero naniniwala ako na kaya naming ulitin yung ginawa namin dati, at sana ganun parin yung apoy (intensity tae, wala akong maisip na tagalog) na pinakita namin nung unang laro laban sa kanila.

eto na ang oras para manalo.

please ipagdasal nyo kame. konti nalang.

kaya natin to RAVENS.

sa TEAM WORK, patawad. hindi ako naging matinong manlalaro para sa koponang ito. babawi ako sa susunod na taon. pangako.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?