Thursday, October 27, 2005

hairy potter

ewan.. ganyan bigkasin ng kapatid ko ang "harry potter".. "fow-niks" din.. ewan.. haha sori puro harry potter. yun lang kasi laman ng sembreak ko eh.. pano di natutupad yung basket attacks. kase naman wala rin akong kasama. at dahil wala akong magawa, yun na nga, nagbasa nalang ako ng harry potter. mind you, nung start ng sembreak, hanggang book 3 palang nababasa ko. nakaka-two and a half nako. well mabagal yun, pero since ako naman to, okey na yon.

haha bakit harry potter? ewan. kasi nakahanap lang ako ng bargain deal ng harry potter books. bibili kasi dapat ako ng book 6, mga 1200 yun diba? tas nakahanap ako ng super deal, yung 6 na books for 1400 pesos. haha kaya lang book 6 lang yun hardbound. oh well. swerte yung may hawak ng book 5 ko ngayon, mlamang sayo na yan.. yung iba na andito, napunta sa pinsan ko (na nacompensate naman ng kaunti galing sa tita ko). haha ewan ko kung ano yun pumasok sakin, pero wala lang. may box kasi yung books 1-5. haha kaya natripan ko.

tas ayun na nga. di yan lang ang ginagawa ko sa bahay (at dota), tas isang gabi nanaginip ako. haha hindi ko nga alam kung bakit eh. so malamang alam nyo na.. may kinalaman sa harry potter. sadly, hindi ako si harry potter. isa lamang akong helpless human (or muggle) na bigla nalang nasa hogwarts (hindi ko talaga nagets kung bakit). tas di shempre dahil hindi naman ako wizard, hinahabol ako ng mga tao dun sa loob. haha minamagic ako nung mga teachers (bwiset). tas may mga halimaw pa sa labas kaya ganun din, pag lumabas ako, dedo. tas nacorner nako....

tas nagising na rin ako, pinapawisan. pota. yung mga unan ko nasa sahig (though madalas mangyari yon) pero basta sobrang mas magulo kesa sa normal.

haha naalala ko tuloy yung ginawa ko sa mga t1 nung LEADS. sori tinakot ko kayo tungkol dun sa bintana sa banyo.. at dun din sa cabinet.. sana hindi kayo nanaginip ng masama (though malamang hindi naman kasi puro chika na yung nasa isip nyo pagtulog).. narealize ko lang na harry potter palang sobrang sama na ng panaginip eh.. baka atakihin kayo sa puso nun..


2am na. hindi ako makatulog.

wala akong pera (meron ata onti pero ayoko na gumastos)
wala akong costume (kalat mode nalang?)
wala akong peanuts (inubos ko na kasi, tas ngayon naghahanap ako)
wala akong load
wala akong gana umalis ng bahay, pero gusto ko sumama sa mga lakad (may obernyt daw bukas, tas may t1 movie pa)
wala nang english muffins
wala nang waffle
wala nang almondjoy
wala nang pag-asa

may hotdog pa sa ref.. nagugutom talaga ako.. sori otistik na.. para naman may laman tong blog na to.. ndi ko nauupdate ngayong sembreak eh.

sana makita ko lahat ng taong gusto kong makita ngayong sembreak. railings (takte talaga yang outing na yan, hindi pa nakasama amp), t1(movie!), iba pang kaibigan (na napangakuan ko pa ata na magpapakita ako sa kanila).

tumawag tita ko kanina, nagtatanong tungkol sa accounting book. talagang may nasagot ako sa kanya. nasabi ko lang ata "accounting: text & cases" at "goodwill bookstore", tas wala na. tas wala.. nagtanong ng mga napagaralan ko na. may nasabi talaga ako. sinagot ko nalang "uhh, tita tawag kayo ulet, hahanapin ko lang yung libro ko". labo. may mga sinabi tungkol sa pagbubuti ng pagaaral at kung ano tungkol sa pamilya namin.

may bago nang poster sa kwarto. angelina jolie nanaman. tomb raider nanaman. pero sulet kase eh (pwede talaga siya). sumasarap ang tulog. kasi naman wala rin ibang choices. kokonti lang naman yung mahahanapan ng disenteng posters dito. tas ngayon hindi narin disente. puro avril, at mga collage ng mga rappers na talagang gusto kong ilagay sa kwarto ko (matutulog ka na nga lang, pinapakyu ka pa rin?). naman kase, kung papipiliin naman ako ng titignan ko bago matulog, malamang si angelina na, kumpara naman kay avril at eminem. meron din movie poster ng harry potter, pero tsaka na yon. gusto ko yung sa last na (para matanda na si hermione, at lalong mas maganda pa).

oo nga pala. t1, nasan na yung mga pic natin?? excited ako e.

doom papanoorin bukas. haha sana dubai nalang. o kaya yung exorcism of emily rose (mejo kinikilabutan ako pag naiisip ko yan, magisa nalang ako dito sa baba eh), kung palabas na yon. haha wala.

o di kaya yung LORD OF WAR nalang. title pa lang patok na eh. catchphrase pa nila: "When there's a will, there's a weapon." at "MASTER OF MASS DESTRUCTION". sino ba naman ang hindi mapapanood nyan? namumulubi na ata si nicolas cage.

oo nga pala, sa mga babasa nito (na atenista), gusto nyo ba magvolunteer sa marketing team ko for AUDC (debate championship 'to. international. big time.)? formality lang siguro.. kung uutusan ko man kayo.. tatawag lang sa kung sino para tanungin kung ok na ba sila, other than that, ako na bahala.. kelangan ko lang ng pangalang ipakikita. haha kelangan daw may team eh. talagang may makukuha ako para sa ganito eh. ngayon ko lang narealize na wala palang kumag na gustong maghead ng department na to sa kahit anong project. as in bihira ang volunteers. pag bobo ka nga naman at nagprisinta ka pa.. hahaha. o wel. basta kung mahal nyo ko at gusto nyo kong tulungan.. feel free hahaha :)

tama na nga.. sobrang haba na eh..

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?