Tuesday, September 13, 2005

my new home

-130905-

haha may bagong bahay na ko, bilang parte ng pagsubok kong magbagong buhay. gusto ko talaga magaral. kahit konti lang. hindi ko talaga magawang magaral dito sa bahay, kaya naman ang bagong tambayan ko ngayon ay ang silid-aklatan ng ateneo de manila university.

haha oo, alam ko ang ihihirit ng iba dyan. may ibang "benefits" ang pagtambay ko sa lib. totoo yon. kaya ko rin gustong tumambay sa lib, pero hindi yun ang main reason. aral talaga. studyante narin lang ako ng ME, e susubukan ko na kung pano ang tunay na buhay MEan. Lalo na ngayong "crunch time" na, maraming kelangan ayusin sa mundo. pano ba naman, isa-isang nang nagsisilabasan ang mga gawain sa mundo ngayon. may mga papel, mga pagsusulit, at marami pang pagsusulit.

haay. sana makaaral talaga ako, kasi kahit papano naman, sana yung mga markang makukuha ko e nararapat namang respetuhin. (respectable)

ayun. haha masaya ang araw kanina. biglaan akong napasali doon sa takeSOM's castle competition kanina. sayang kasi ok sana kung MEA, pero AIESEC ang nirepresent ko. kasi yun yung kumuha sa kythe as org na magbebenefit sa prize kung sila yung mananalo. haha bakit kaya ako ang biglang naisip mo ate minnie? labo eh. haha

yung isang event na nasalihan ko (dahil natanggal na kami bago pa sa pangalawang pagkakataon ko), ay ang pagkain ng napakaraming chocolate bars. siguro naka-12 o higit pa ako. MATABA NA TALAGA. kelangan na ulet magdiyeta. haha pero masaya ako dahil pang-una kami sa parteng iyon! at ako ang nagpanalo! yahoo. sayang lang at nadali kami sa quizbee. dodo. kinakarir ng mga MEAns at nung faculty na kasali. haha.

tas nagaral kami sa lib hanggang mga 8pm, well hindi pala aral. sinubukan naming tapusin ang acctg project na hindi matapos-tapos. hassle.

ayun. wala na kong masabi. haha

basta happy man ako ngayon. hehehe

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?