Thursday, August 25, 2005
stronger than yesterday...
-240805-
bago ako magsimula, babatiin ko lang ng happy birthday si jeric! happy happy bente! joke lang.
mukhang may bagong segment na yung blog ko.. kythe tales tuwing wednesday.. hehehe. sobrang dami kong napupulot sa mga experiences ko dun, tas sobrang napapaisip talaga ako e.
kanina dun ulit kami pumunta sa QMMC, yung hospital sa may katipunan ext. though gusto ko na bumalik sa POC, kasi yun yung homecourt ko, kahit na mejo mas masama yung shape nya, mas gusto ko dun. kasi dahil narin mas masama yung shape nya, mas ok tumulong dun. mas kelangan eh.
last week pa kami dun nag-visit, pero wala na yung dalawa kong kids na nameet. sobrang jolly pa naman nila. ang saya. tipong nagbabasketball lang kami dun sa kama nila. enjoy yung day ko last week dahil sa kanila. kahit may sakit sila, sobrang saya parin.
tas this week naman namit ko si Roselyn at yung mom nya, si ate Nelly. tas ayun. may sakit yung kid. may abcess sa leg. hindi rin alam ni ate kung san nanggaling, tas tinanong ko yung doctor kung ano na yung finding, mejo ayaw nya sabihin. stop muna dun. comment lang. sobrang nakakabadtrip yung kung ako yung nanay eh. tipong ayaw pa talaga sabihin sakin kung ano talaga yung findings nila. kasi sabi rin sakin ni ate na hindi nya rin talaga alam yung complete finding nun mga doctors. ansakit non eh. parang alam mo narin na may hindi magandang nangyayari. tas shempre alam pa niya na may risk i-amputate yung leg nung kid. tas 2 years old pa lang siya.. grabe.. sobrang in tears na si ate Nelly nun nagkkwento siya sakin.. naiintindihan ko naman.. ayoko rin makita maamputate yung paa ng anak ko.
tas hindi pa nakakatulong yung fact ni mahirap lang sila. grabe. 5 yung anak niya. tas ok naman yung unang tatlo.. nagaaral naman sila, tas ok naman.. kahit na minsan nahihirapan sila dahil wala silang baon, tas hindi pa sila nakakain sa bahay.. bilib lang ako dun sa eldest, umulit siya ng 3rd year hs.. kasi siya yun kapalit ng mom niya sa pagbantay dun sa kapatid niya.. grabe.. idol
pero yung pinakakawawa yung pangapat. kid pa lang siya, tas mejo autistic daw siya. tas dahil pumapasok yung mga kapatid nya tas may work yung dad, walang nagbabantay sa kanya. e dahil nga mejo autistic, tinatali daw siya sa bahay para hindi mawala. DAMN. parang aso eh. sobrang kinilabutan ako nung kinwento yun ni ate. hindi naman nila gusto yon, pero wala silang choice eh. gusto na nga ipaiwan nalang sa orphanage yung bata para naman may mag-asikaso dun.. grabe.. sobrang emotional nung conversation namin.. umiiyak talaga siya sobra..
buti na lang may mga mababait pang tumulong sa kanya. kasi siyempre mahirap lang sila.. tas hindi pa makapagtrabaho si ate. lumapit na siya sa lahat ng pwede niya lapitan, mga charity, mayor, tv stations.. buti naman may tumutulong sa kanila.. hindi rin mura magstay sa ospital.. tipong 1 year narin ata sila pabalik-balik sa hospital.. God bless those kind people.
tas yung mga doctor, sasabihin pa "kawawa naman sya, babae pa naman."
nice doctors. kung ayaw nila sabihin yung exact findings nila, diba dapat at least ang sinasabi nila ay words of encouragement?! basura eh.. sobrang sakit non.. para bang nagfinals ka, tas hindi pa nilalabas yung scores, tas sasabihan ka non ng teacher mo. whokey. salamat ha.
tas may time pa daw na pareho silang naconfine sa hospital, nagcollapse daw si ate dahil sa sobrang puyat. grabe. tas yung kid nagkaron pa ng problema sa lungs, nahawa ata. the sad state of hospitals. e kung may lugar kasi na matutulugan si ate, tas kung hindi dikit-dikit yung mga kids, wala nang dagdag problema pa sa kanila. haay.
hindi ko makausap yung kid, kase tulog.. sayang.
yung isa namang kid, nakalimutan ko yung name.. pano naman kasi, ayaw talaga kumausap ng tao, as in lahat, pati yung mga doctors hindi daw talaga kinikibuan. grabe. tulala lang siya don, tas iiyak.. well feeling ko dahil lang dehydrated siya. nagulat lang ako kase yung mom nya 18 pa lang. grabe. 16 pa lang siya nung pinanganak yung kid. tas kinkwento nya kung gano siya nagsisisi sa decision nya. pero syempre may kid na eh, somehow that should make her happy.. kahit na mejo mahirap ang buhay, anak nya yun eh. kaya lang nga ayun. sobrang aga kase eh.
ayun lang.. basta sobrang dami lang talaga ng iniisip ko ngayon.. sobrang may gusto akong gawin para sa kanila, pero hindi ko alam kung ano yung magagawa ko eh..
guys, ipagdasal nyo nalang sila..