Saturday, August 20, 2005

somebody save meeeeee

-200805-

woohoo. stuck na yan sa isip ko. thanks to smallville. grabe na-attach ako. thanks janze!

nakakarelate ako kay clark kent. sobrang saya nung feeling na lagi mong nakakasama yung babaeng sobrang mahal mo, pero masakit din kasi hindi mo masabi sa kanya kung ano talaga yung nararamdaman mo. in short, torpe. yah. haha ang sarap humirit habang nanood na "shet ano ka ba, feel ko gusto ka rin naman nya e!" pero shempre hindi nya yon alam. yung nanonood lang ang may alam nun. para rin yan sa buhay ko. umaasa akong sana ganun din, na kahit papaano may pag-asa yung ganung sitwasyon. pero hindi ko naman alam eh. takot akong mareject, hindi dahil ma-pride ako, pero natatakot ako sa pwedeng mawala. ayaw kong irisk yung kung ano yung meron na kami ngayon. argh. haha mas komplikado naman yung problema ni superman. kasi siya may nagkakagusto sa kanya, tas shempre may consequences ang pagpili ng isa sa kanila. tsk tsk.

pero at least siya may fallback. ako wala.

meron nang magandang nangyari sakin dati. pero tinapon ko lang yon lahat. at hindi ko na mababawi yon. at hindi ko rin naman susubukan. hindi naman tama yon. hindi ko pa nga natatapos ng maayos, babalikan ko pa? ika nga ni chay, "ass" nga naman ako kung sinubukan ko pang bumalik sa nakaraan.

galing ah. mejo nadepress ako bigla. parang masaya ako nung sinisimulan ko to dahil nanood ako ng smallville, tas mejo iba dapat yung entry na nasa isip ko, pero ito yung lumabas..

magpplug nalang ako sa lahat ng T1 jan.. guys despedida ni alven sa bahay ko. siguro 8-830 start. kain na daw muna kayo. haha kinukuripot nya tayo. yes, ako rin kuripot. haha dala kayo ng food para may kainin naman tayo. hehehe. punta kayo please. para kay alven to. kalimutan na ang accounting lt for one night. sabay-sabay tayong maghahanda para dyan.

goodluck narin sa math midterms! bon courage!

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?