Friday, August 05, 2005
CSI: kapitolyo
-040805-
hay. sarap dito sa bahay. hindi rin natupad yung paguwi ko ng maaga. umalis nga ako ng admu ng 130, halos kanina lang ako dumating sa bahay. pero ok lang. sulit naman eh.
naglunch kami nila imman at carina sa gateway. foodcourt lang. haha siyempre dapat sa mga elite na kainan pa kami, naghanap pa kami ng magandang lugar, dun din pala kami mauuwi. "parang caf" din lang daw sabi ni imman, hah. mamimili ka pa ah. masaya yung kwentuhan. dapat madalas yung ganito natin. or minsan lang. magastos din ata eh. nakalibre nga lang si imman ng train rideÜ hehe
tapos dumaan pako ng ortigas para kunin yung pera at GCs namin sa karimadon. shempre parang nakapambahay lang ako, tas kasabay ko yung mga naglalabasan na office people. loser. tas pagdating ko dun, at least mejo happy yung mga tao. haha at shempre buti nalang andun yung mga dapat kong kunin. korni naman kung wala akong napala eh. yey may progress na ang Fashion Week. sana pumayag si Nikki Gil na mag-host. ako pa kasi yung naatasan na kumausap sa kanya. ugh. star na kasi siya huhu. sana wala na talent fee
tas paguwi ko dito sa bahay nagenjoy ako sa pancit. sarap grabe. sulet talaga mga pagkain galing sa probinsya.Ü haha kaya lang naistorbo pagkain ko. napaluwa pa ko ng pancit kasi biglang kumalabog yung gate namin. syempre natakot naman ako, kaya pumunta kagad ako sa labas. tas may nakita nalang akong trike na nakaparada, tas may mga tao nang nagkukumpol, tas may isang mama na nakihiga sa daan. nakakatakot pramis. tipong mga 5 minits ata siya nakahiga. yun pala nakasakay siya sa scooter. tas habang nagmomotor siya pababa ng road, may nag u-turn bigla na trike, tas umiwas siya. nag bail-out siya sa scooter nya, at dahil swerte ang bahay namin, sa gate namin bumangga ang walang labang trike.
nakatayo naman yung mama. at mukhang ok. pero syempre sobrang galit. tas ayaw pa makipagcooperate nung trike driver. dumating na yung mga taga-barangay. tas pinapapunta na sila sa presinto, pero ayaw nga nung trike driver. at yun na. nagberzerk na yung naaksidente. naffrustrate kasi siya kasi parang mas inaalala pa nung driver nung trike yung nayupi niyang trike kesa sa buhay nung kawawang mama. oh well. inayos ko lang yung gate, tas kumain nako ulet.
grabe talaga ang pagka-usi ng mga pinoy. haha isa nako dun. well, pero gate naman kasi namin yon. pero yung mga iba talaga, nakaperwisyo pa. in 5 minits parang biglang nagkaroon ng trike station sa labas ng bahay namin. sobrang dami nila. tas yung mga dumadaang kotse tumitigil din. may mga bisikleta pa at motor na umakyat dun sa driveway namin at nakikisilip na rin. haay. mamamatay talaga sila pag di nila nakita yon eh. sobrang importante. nakakatawa lang talaga. tas dun sa mismong huddle na sa may gitna, mas marami pang sinasabi yung mga wala naman nung nangyari yung aksidente kesa dun sa mga kasali talaga tsaka sa mga witness. badtrip. buti sana kung witness eh. kapatid lang ata nung trike driver tas daming satsat. kumakain nako ulet sa loob dinig mo parin yun boses nya. kulet talaga. pati yung mga barangay police pikon na. ayun. tas may himala tas nagsialisan na sila. kaya ngayon at peace na ulet kami.
well mejo. dahil nagbalik na ang nanay ko at kapatid ko dito sa bahay, may internal turmoil nanaman. hindi sa inaasahan kong pagaaway namin ng nanay ko. kala ko sobrang magkakagulo kami, kasi dati nga nun hindi pa siya lagi don, tuwing magkikita kami, lagi akong pinagsasabihan. pero ngayon, sobrang okey kami. nakakatuwa. well sa tatay ko nalang yung problema. mejo pissed off ata siya. at maraming nagiging complications mula don. at syempre kelangan ko makisama sa pammroblema. haay. mahirap maging panganay. gah.
huhuhu