Monday, July 25, 2005

fatherly blues

6pm na. haha grabe ang lamya nun ah. parang nabasa ko ulet tas english o. wow. hahaha. kahapon kasi eh, puro english yung mga tao. wahahaha natapos ko na basahin ang accounting at nagsasagot ako ng math. mejo nahihilo lang ako kaya break muna ulet. nakakatamad narin magsurf kaya nagdadagdag nalang ako dito.

haha masaya yun panaginip ko nun isang araw. haha si iya at cons kumakain ng raw egg. nakakatawa. tas binibigyan nila ako. ano kaya ang ibig sabihin non? hmm... nakakatawa.

kanina, dumaan tatay ko dito, tas nakita nya yung ginagawa ko, tas parang tinignan nya yung mga forms nung mga freshies na tumatakbong block rep. tas shempre siya chinicheck out nya yung mga tao, pati yung mga lalake. tipong, "o eto pwede ah, mejo mataba lang" at "oy eto gwapo". damn. ate, ayan ang rason kung bakit di ka dapat maniwala sa tatay ko. grabe, parang ako hindi ko na pinapansin yun mga itsura nung mga tao, nagmamadali eh. tas siya andaming comments.

haha mapupunta tuloy ako sa tanong na, close ba kayo ng mga magulang nyo? haha ako kasi mejo hindi. parang pagka ganyan yung usapan mejo awkward eh. sablay. yung tipong aakbay yun tatay ko saken tas mag-ggirl talk. wala. sablay talaga. big time.

tas nakakatawa pa, andami niyang alam tungkol sakin. haha minsan kahit ako hindi ko alam. tas bigla nalang may iba pang family member na bigla nalang akong hihiritan. aba. dats not rayt. no no no. meron pa siyang tools of stalking, haha meron siyang friendster account para masubaybayan nya ang activity ko. pero hindi na ata nya chinecheck.

hihi. mamaya ulet. pag nagpahinga ako. mukhang hahaba tong post na to.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?