Friday, June 17, 2005
the kyutest amazing race
-160605-
shit. day has been crap. haha nageenglish nako. badtrip sobra. well, mejo masaya naman yung araw ko. mas naendure ko yung 5 1/2 hours of hell ko kesa nung first day. haha kahit may sakit ako, pumasok parin ako. tipong hinaharangan na ng maid yung door (siya lang ang kasama ko sa bahay, well minsan dun din nanay ko), tas sabi nya "wag ka nang pumasok, may sakit ka pa." pero kelangan eh. mahirap nang magmiss ng class sa matematika.
pumasok ako sa pe, tas hindi ako tumakbo dun sa 1-mile run. nagbantay lang ako sa kanila. tapos nakilala ko yung 14 year old batchmate ko, na kaklase ko pala sa pe. haha kinausap ko naman, nainteres ako eh. tapos hindi pala siya nag grade 1, grade 5 at 2nd year high school. wow. wala lang, parang ang hirap non, iniiwanan mo yung mga kaibigan mo. haha.
yung natirang 4 1/2 hours of hell? walang nangyari. ata. well nun math, nagoffer si sir marcelo na magchange classes, at dapat ay lilipat ako. pero nagkasundo nalang kami ni cons na maghiwalay, at swertehin nalang ang isa. risk kasi na pumunta dun sa bagong class, kasi hindi rin naman daw kilala yung teacher. oh well. good luck to me :P
so ayun, dapat pupunta ako sa doktor ng 2pm, kaya lang biglaang nagteks ang aking drayber na hindi pala ako masusundo kagad. crap. so sige, antay lang daw ako. nagpaxerox ako ng handouts, yung una kong napaxerox sa pinoy ay mali sorry imman at carina!! hell. tas pumunta ako ng covcorts. haha magaling ka magbasketball kat!Ü sumama nalang ulit ako sa mga dudes (freshies) ko, at kumain kami, haha with 50 pesos, nakakain ako ng buffalo wings, nachos at fajitas. haha magbabayad din ako. sana bukas.
---sudden thought: wala lang, singit lang. pause muna sa kwento. haha yung blog na to, sana para sa mga deeper thoughts na tumatakbo sa isip ko, pero nalaman ko na sa kubeta ko lang ata talaga nasusuri ang mga bagay na yan, at hindi ko maisulat sa blog na ito. at marami rin kasing kababawan na namumuno sa araw-araw ko, dahil sa dami ng bagay na dapat aralin.---
haha oo nga pala, biglang tumawag ang aking guro sa economics, si ginoong harry (potter). hindi ko na maalala ang last name. sori ser. shempre hindi ko alam yun number nya, natakot ako sobra, malay ko ba kung bakit siya tumawag. "hello, is this carlos miguel cruz?" uh.. oh no. matanda ang boses.. pulis?! bakit? igh.. sagot ako.
"hello, gud afternoon, who is this please?"
"this is sir harry ___, your teacher in economics."
"yes sir?"
"i have just found out now..."
naputol ang tawag. shet. bakit kaya?! bagsak, homework, secret grudge?! buti andun si duo. nakitawag ako.
"hello, sir? this is carlos sir."
"ahh yes, i just called to tell you that there is already a 13th edition of the economics book available at goodwill bookstore."
WHEW! prutas akala ko kung ano na. tas yon, nagpasalamat nalang ako, at binaba na ang telepono. nagpagas kami sa white plains, at nagjourney sa trafik pabalik ng katips.
after nun, wala na mashado nangyari. nasundo na ako mga 730. great. so dito na. bibili na ako ng accounting book! yey! so punta muna ako chowking sa may amin, kinuha ko yung money sa dad ko (no, hindi sa amin yun chowking, doon lang sila kumakain.), tapos punta nako ng natio sa edsa-shaw. umm miss meron po ba kayong accounting book, hindi ko na po maalala yung author eh (btw, tinanong ko na kay ren kung cno yung author, pero dahil sa pagmamadali, nakalimutan ko ulit.
"ahh yun bang 'accounting: text & cases'?"
"yun na nga! haha, alam nyo ah!"
"ah oo, kasi yan ang hinahanap ngayon. sori ah, wala nang stock eh."
ouch. first blow. punta akong shang, galle at sa books for less(umasa pa talaga ako dito.), same results. last stop, megamall, may goodwill eh. pagdating don, nakalimutan ko nanaman yung author.
"miss meron po ba kayo nun accounting book? yung "fundamentals of accounting" po ata(uhh, mali nanaman). (may nakita akong kamukha yun cover, tas tinuro ko), parang ganun po."
"ahh, baka naman 'accounting: text & cases'"
"yun na nga!! miss, sana meron pong ganun."
"ah eh, sori boy, wala na eh."
shit. suko nako. here i am now. walang accounting book. buti pa si duo nabili ko ng ballpen, ako walang nabili para sa sarili ko. takte ayoko na. aaral pako. hahaha. gudnyt guys.Ü