Wednesday, May 11, 2005

summer blues

shattered dreams.

haha ang ganda pakinggan no? parang masarap sa tenga. pero hindi nga lang maganda ang ibig sabihin. oh well. these past few days na-shatter ang dreams ko. una, shattered dreams. para sa mga nanood ng wrestling, ito ang finishing move ni golddust(tama ba?), para sa mga hindi, isa itong blatant low-blow. marami akong natanggap na ganito mula sa kapatid ko nitong mga huling araw. ako kasi ang "champion" sa bahay pagdating sa wrestling, at gusto niyang makuha ito. at ang paraan lamang ay makakuha ng 3-count, o kaya mapa-suko ako. oh well.

pero seryoso mejo nasisira ang mga pangarap ko. para sa mga t1 na nakakasama ko nun first sem, madalas niyo siguro naririnig sakin na gusto ko talagang matuto ng french, at gusto kong tumuloy ng matagal doon. pero unti-unting nasisira ito. sa maraming quizzes at tests sa aking french class, kakunti pa lamang ang naipapasa ko. takte. je ne suis pas francais. hindi ako french.. buti nalang oke pa sa itm. at least hindi dobol dedo. na-adik pa sa dota. uh-oh.

may isa pang case of shattered dreams. haha iya alam mo yan. hindi ata dreams yun na-shatter, pero pede na rin. arf? ha deh.

kumakana parin ang mcdonalds meal ko. haha. oh my god. wala talaga. 20 pesos eh. TIPID. si imman sumuko na. haha bumili siya ng cheeseburger meal kanina. ako stuk parin sa burger mcdo and royal strawberry meal.

"magandang gabi!"

haha dapat ibang entry to, pero ayos lang. dito nalang.

mayroon pa bang ibang paraan para batiin ang mga tao? sa hirap ng mundo ngayon, talaga bang ito pa rin dapat ang ginagamit natin? wala lang. lalo na ngayon, medyo sunod-sunod ata ang insidente ng eroplanong bumabagsak. tapos kapag kakausapin ang mga kamag-anak ng mga nasawi sa telebisyon, babatiin sila, "magandang gabi po mrs. cruz, ano po ang masasabi nyo?"

takte ba?! pano naging magandang gabi yon? pero hindi lang sila.. tayo binabati rin ng mga newscasters tuwing magsisimula ang programa nila.

"magandang gabi pilipinas!"

"at sa ulo ng mga balita, presyo ng gasolina tumaas!
dahil dito, pamasahe ng jeep tataas na rin!
mga bilihin sa palengke, makikigaya!
minimum wage, ayaw taasan!"

crap. yun na lang ang masasabi ko.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?