Tuesday, May 03, 2005

manic monday?

-020505-

hindi talaga ako nag-aaral ngayon para sa itm long test bukas. tae nagkakalat ako. sana nalang matino yung skor ko bukas at hindi kalat tulad nun written quiz. buset. at least swerte parin kahit papaano kasi dapat ngayon palang tapos na yun test ko. haha may 1 day to pray.

wow! may na. ayos lang ang start ng may ko. haha nun friday kasama ko ulet railings, pagtapos namin manalo sa basket, kain kami sa hotshots. haha enjoy sobra. puro kwentuhan ulet. kaya minsan okey din pag ndi kayo madalas nagkakasama, kasi sobrang saya pag nagkita kayo ulet. pwede!

nung friday din na yon, nanood ako ng Can This Be Love?. haha masasabi ko na ok yung movie, at worth sa hype na binuild up ko sa sarili ko. pero ndi ko nakasama si imman haha, lonely man ako sa sinehan. tas may old couple sa harap ko tas ang sweet nila. paglabas dun sa muvihaus, inuulit pa ni lolo yun mga lines ni hero kay sandara tas nakangiti naman si lola. nakakatuwa lang makakita ng ganyan. bihira eh.

kahapon naman, nagbasket uli kami, at dinurog kami ng buhay ng kalaban. 32 points ata. close game talaga. masakit pa don, 3 kaming may career games nung araw na yon. pero tambak parin. haha hindi kasi kami 7 lang. wla pa si "the one" janze. wala na talaga.

haha kung gusto nyong matawa yung career game ko na yon ay eto: 2 points, 4 rebs(ata), 1 assist, 1 steal, 2 blks, at 3 turnovers. TOTOONG CAREER GAME. pero yan ang pinakamatino ko. haha cutie pie. magaling talaga ako magbasketbol.

nagdota kami pagkatapos. DOTA O. at kinain din ako pati don. haha anim kami, tas ako lang yung never nakasama sa winning team. LOSER.

nakapunta din ako sa debut ni jaah nun saturday! nakita ko mga pisay frends. yahoo namis ko na sila. hihi. masaya pa. kasama ko sa table sina fel. hindi kami maingay. magaling din talaga kami sumayaw. sa pagkain lang kami kumana haha. at nalaman kong hindi nga si konde yun matagal ko nang tinatawag na "konde". meron kasi akong nakikita lagi na naglalakad na pag mula sa likod eh sobrang kamukha nya. hindi ko pa nakikita mula sa harap. oh well. sori konde

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?