Friday, May 13, 2005
3rd in a 24-hr span..
haha wala na. hindi ako makatulog eh. halos wala naman akong ginagawa. kanina ko pa natapos yung pangit na draft para sa "sample sentral". malamang babaguhin ko parin yon. tas tapos narin ako sa itm. di pa ako nakakaaral para sa french mashado.
may ipis dito. haha natatakot ako. pero bakit nga ba ako natatakot? hindi ko rin alam. marami naman siguro sating ganito, takot sa ipis. yung sobrang takot na pati apakan ay hindi magawa. siguro pandidiri narin.
kaya naman talagang nakakaingit nga ang ipis. napakaliit na nilalang, napakalaking respeto ang ibinibigay natin rito. daraan siya at tayo'y tatabi para siya'y paraanin. kung gusto niyang mamahinga sa iyong sofa, kaya niyang gawin yon, kahit nauna ka pa don. dahil kahit na di hamak na mas maliit siya, siguradong ikaw ang aalis kung magkasabay man kayo. para pa silang superhero. nakakalipad na nakakaakyat pa ng mga ding-ding at halos kahit anong lugar. nabubuhay siya sa lamig sa init at sa ulan. dramatic din ang pagkamatay. kung baga napaka-action packed. seryoso pa ang taong may hawak ng tsinelas habang nagtatankang patayin ang ipis. hanep.
wala nang kwenta to. haha sabog na ko. di bale. hahaha