Friday, April 15, 2005
life's a bitch
          -140405-
haha wala lang to. mga 6 years na ring ganyan ang buhay. bat ba kasi kelangan magpakasal ng mga tao kung sisirain din lang nila ito? pak. ang korni naman kasi, kung sino pa yung wala namang kinalaman, siya pa yun naiipit sa gitna. walang kwenta eh. kung naghiwalay na kayo, wag na kayong magkibuan. wag nang magsampa ng kaso. wag nang subukang kumuha ng kahit ano sa kabila. tama na ang away. sana ganun na lang. maraming kawawa eh.
maraming maling desisyon na ginagawa ang mga tao sa buhay nila. pero yung iba swerte, pag nagkakamali sila, hindi naman grabe ang epekto. yun iba naman, nakakabawi. pero mayrong iba na nasisira ang buong buhay dahil sa maling sagot sa tanong na "oo o hindi?".
bakit ba may pera sa mundo? oo nga't ito ang nagpapaikot sa kalakalan sa mundo, at maraming ginagawa para maayos ang sistema ng mundo, pero ito rin ang nagdudulot ng maraming kasamaan. hindi ba nalalason ang mga isip ng tao dahil gusto nilang magkapera? maraming tao ang dahil gusto nila ng pera, ay nakapagpapahirap sa marami pang iba. masakit lang talaga.
bakit din nga ba naging napakaimportante ng pakikipagtalik sa buhay ng tao? oo nga't kailangan ito para mabuo ang mga susunod na henerasyon, pero kung ito lang ang rason, bakit kailangan na paiba-iba pa ng babae, at di makuntento sa isa?
crap.