Monday, April 11, 2005

i am lost.

-10405-

hah may date din naman sa baba. pero anjan na eh. gagawin ko naring habit yan. haha nagblog narin ako. wala lang akong magawa, tsaka parang maraming nasa isip ko. ganito narin lang muna itsura nito. tinatamad pa ko mag-ayos. ndi rin naman ako madalas mag online

wala kasi akong makausap sa bahay. kapatid ko naman mahirap kausap. during the past few days, nakipaglamay kami sa aking lola, pero ndi yung nanay ng magulang ko. pinsan lang ata ng lola ko yun.

dahil napakamatulungin ng nanay ko sa mga family matters, mga 3 days din ata kami dun na nagstay hanggang madaling araw, tas may araw ata na wala akong kasama na kausap. kaya napaisip lang ako. medyo kilala ko kasi yun lola ko, tas lam ko na madasalin at mabait siya. naisip ko rin na ako hindi ganun. opposite ata. nakakatuwa lang kasi habang nandun ako, marami akong nakikitang mga dumarating, mga pinsan niya or mga apo na, tas lahat sila may mga kwento tungkol sa kanya. pati yun archbishop na nagmisa ang haba nun homily, tungkol din sa kanya.

astig lang kasi ambait niya eh. yun siguro yun reason kung bakit maraming nakakaalala sa kanya, tas lagi pa sila nakangiti pag nagkkwento tungkol sa kanya. oh well. palagay ko ako hindi ganun. haha bahala na. sana pag namatay ako, may pipirma man lang dun sa notebook na nasa pintuan hahaha

papasok na bukas. yes at no. yes dahil nababato na ako sa bahay. no dahil ayoko pang magaral. marami nang nakakahirit nito, pero eto nga yung "dream scenario". papasok nalang sana tayo sa skwela tas walang gagawin na kahit ano. okey.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?